Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (3) Surah: Ghāfir
غَافِرِ ٱلذَّنۢبِ وَقَابِلِ ٱلتَّوۡبِ شَدِيدِ ٱلۡعِقَابِ ذِي ٱلطَّوۡلِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ إِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
ang Tagapagpatawad ng pagkakasala ng mga nagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, ang Matindi ang paparusa sa sinumang hindi nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala niya, ang May pagmamagandang-loob at pagmamabuting-loob. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya; tungo sa Kanya lamang ang babalikan sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa kanila ayon sa nagiging karapat-dapat sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الجمع بين الترغيب في رحمة الله، والترهيب من شدة عقابه: مسلك حسن.
Ang pagtutugma sa pagitan ng pagpapaibig sa awa ni Allāh at pagpapangilabot sa tindi ng parusa Niya ay isang magandang pamamaraan.

• الثناء على الله بتوحيده والتسبيح بحمده أدب من آداب الدعاء.
Ang pagbubunyi kay Allāh sa pamamagitan ng paniniwala sa kaisahan Niya at ang pagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ay isa sa mga kaasalan sa pagdalangin.

• كرامة المؤمن عند الله؛ حيث سخر له الملائكة يستغفرون له.
Ang karangalan ng mananampalataya sa ganang kay Allāh yayamang pinagsilbi Niya para rito ang mga anghel na humihingi ng tawad para rito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (3) Surah: Ghāfir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara