Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (4) Surah: Ghāfir
مَا يُجَٰدِلُ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَلَا يَغۡرُرۡكَ تَقَلُّبُهُمۡ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
Walang nakikipag-alitan hinggil sa mga talata ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at katapatan ng mga sugo Niya kundi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh dahil sa katiwalian ng mga pag-iisip nila. Kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag manlinlang sa iyo ang taglay nila na kaluwagan sa panustos at mga biyaya sapagkat ang pagpapalugit sa kanila ay isang pagpapain para sa kanila at isang pagpapakana sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الجمع بين الترغيب في رحمة الله، والترهيب من شدة عقابه: مسلك حسن.
Ang pagtutugma sa pagitan ng pagpapaibig sa awa ni Allāh at pagpapangilabot sa tindi ng parusa Niya ay isang magandang pamamaraan.

• الثناء على الله بتوحيده والتسبيح بحمده أدب من آداب الدعاء.
Ang pagbubunyi kay Allāh sa pamamagitan ng paniniwala sa kaisahan Niya at ang pagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ay isa sa mga kaasalan sa pagdalangin.

• كرامة المؤمن عند الله؛ حيث سخر له الملائكة يستغفرون له.
Ang karangalan ng mananampalataya sa ganang kay Allāh yayamang pinagsilbi Niya para rito ang mga anghel na humihingi ng tawad para rito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (4) Surah: Ghāfir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara