Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (55) Surah: Ghāfir
فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa dinaranas mo na pagpapasinungaling ng mga kalipi mo at pananakit nila; tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pag-alalay ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Humiling ka ng kapatawaran sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa simula ng maghapon at wakas nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• نصر الله لرسله وللمؤمنين سُنَّة إلهية ثابتة.
Ang pag-aadya ni Allāh sa mga sugo Niya at mga mananampalataya ay isang kalakarang pandiyos na matatag.

• اعتذار الظالم يوم القيامة لا ينفعه.
Ang pagdadahi-dahilan ng tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ay hindi magpapakinabang sa kanya.

• أهمية الصبر في مواجهة الباطل.
Ang kahalagahan ng pagtitiis sa pagharap sa kabulaanan.

• دلالة خلق السماوات والأرض على البعث؛ لأن من خلق ما هو عظيم قادر على إعادة الحياة إلى ما دونه.
Ang pahiwatig ng pagkakalikha sa mga langit at lupa sa pagbubuhay na muli dahil sa ang lumikha sa isang dakilang bagay ay nakakakaya sa pagpapanumbalik ng buhay sa isang mababa pa roon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (55) Surah: Ghāfir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara