Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (62) Surah: Ghāfir
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Gayon si Allāh na nagmabuting-loob sa inyo sa pamamagitan ng mga biyaya Niya. Siya ay ang Tagalikha ng bawat bagay sapagkat walang tagalikha na iba pa sa Kanya at walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya. Kaya papaanong nababaling kayo palayo sa pagsamba sa Kanya patungo sa pagsamba sa iba pa sa Kanya kabilang sa hindi nakapagdudulot ng pakinabang ni pinsala?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• دخول الدعاء في مفهوم العبادة التي لا تصرف إلا إلى الله؛ لأن الدعاء هو عين العبادة.
Ang pagkakapaloob ng panalangin sa pagkaunawa ng pagsamba na hindi ibinabaling maliban kay Allāh dahil ang panalangin ay ang pinakadiwa ng pagsamba.

• نعم الله تقتضي من العباد الشكر.
Ang mga biyaya ni Allāh ay humihiling sa mga tao ng pasasalamat.

• ثبوت صفة الحياة لله.
Ang pagpapatibay sa katangian ng buhay para kay Allāh.

• أهمية الإخلاص في العمل.
Ang kahalagahan ng pagpapakawagas sa gawain.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (62) Surah: Ghāfir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara