Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (19) Surah: Ash-Shūra
ٱللَّهُ لَطِيفُۢ بِعِبَادِهِۦ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُۖ وَهُوَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡعَزِيزُ
Si Allāh ay may kabaitan sa mga lingkod Niya, na nagtutustos sa sinumang niloob Niya kaya nagpapaluwang Siya para rito ng panustos at nagpapagipit Siya sa sinumang niloloob Niya alinsunod sa hiling ng karunungan Niya at kabaitan Niya. Siya ay ang Malakas na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• خوف المؤمن من أهوال يوم القيامة يعين على الاستعداد لها.
Ang pangamba ng mananampalataya sa mga pinangingilabutan sa Araw ng Pagbangon ay tumutulong sa paghahanda para roon.

• لطف الله بعباده حيث يوسع الرزق على من يكون خيرًا له، ويضيّق على من يكون التضييق خيرًا له.
Ang kabaitan ni Allāh sa mga lingkod Niya yayamang nagpapaluwang ng panustos sa sinumang ito ay nagiging mabuti para rito at nagpapagipit sa sinumang ang pagpapagipit ay nagiging mabuti para rito.

• خطر إيثار الدنيا على الآخرة.
Ang panganib ng pagtatangi sa Mundo higit sa Kabilang-buhay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (19) Surah: Ash-Shūra
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara