Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (44) Surah: Ash-Shūra
وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن وَلِيّٖ مِّنۢ بَعۡدِهِۦۗ وَتَرَى ٱلظَّٰلِمِينَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَ يَقُولُونَ هَلۡ إِلَىٰ مَرَدّٖ مِّن سَبِيلٖ
Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa kapatnubayan saka iniligaw palayo sa katotohanan ay walang ukol dito na isang katangkilik, matapos ni Allāh, na tatangkilik sa pumapatungkol sa kanya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, kapag napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, ay magsasabi habang mga nagmimithi: "Ang panunumbalik kaya sa Mundo ay may daan para magbalik-loob kami kay Allāh?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الصبر والشكر سببان للتوفيق للاعتبار بآيات الله.
Ang pagtitiis at ang pagpapasalamat ay dalawang kadahilanan para sa pagkakatuon sa pagsasaalang-alang sa mga tanda ni Allāh.

• مكانة الشورى في الإسلام عظيمة.
Ang kalagayan ng sanggunian sa Islām ay dakila.

• جواز مؤاخذة الظالم بمثل ظلمه، والعفو خير من ذلك.
Ang pagpayag sa pagparusa sa tagalabag sa katarungan ng tulad sa kawalang-katarungan niya at ang pagpapaumanhin ay higit na mabuti kaysa roon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (44) Surah: Ash-Shūra
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara