Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (37) Surah: Az-Zukhruf
وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
Tunay na ang mga kapisang ito na mga pinangingibabaw sa mga tagaayaw sa Qur'ān ay talagang bumabalakid sa kanila sa relihiyon ni Allāh kaya hindi sila sumusunod sa mga ipinag-uutos Niya at hindi sila umiiwas sa mga sinasaway Niya habang nagpapalagay sila na sila ay mga napapatnubayan sa katotohanan at dahil doon sila ay hindi nagbabalik-loob mula sa pagligaw nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• خطر الإعراض عن القرآن.
Ang panganib ng pag-ayaw sa Qur'ān.

• القرآن شرف لرسول الله صلى الله عليه وسلم ولأمته.
Ang Qur'ān ay karangalan para sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at para sa Kalipunan niya.

• اتفاق الرسالات كلها على نبذ الشرك.
Ang pagkakasundo ng mga mensahe sa kabuuan ng mga ito sa pagtatwa sa shirk.

• السخرية من الحق صفة من صفات الكفر.
Ang panunuya sa katotohanan ay isa sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (37) Surah: Az-Zukhruf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara