Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Ad-Dukhān   Ayah:
وَأَن لَّا تَعۡلُواْ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنِّيٓ ءَاتِيكُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Huwag kayong magpakamalaki kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa Kanya at pagmamataas laban sa pagsamba sa Kanya; tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may katwirang maliwanag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنِّي عُذۡتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمۡ أَن تَرۡجُمُونِ
Tunay na ako ay nagpasanggalang sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka patayin ninyo ako sa pamamagitan ng pagpukol ng bato.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ لِي فَٱعۡتَزِلُونِ
Kung hindi kayo nagpatotoo sa akin sa inihatid ko ay lumayo kayo sa akin at huwag kayong magpalapit sa akin ng isang kasagwaan."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ مُّجۡرِمُونَ
Kaya dumalangin si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa Panginoon niya na ang mga taong ito na sina Paraon at ang konseho nito ay mga taong salaring nagiging karapat-dapat sa pagpapadali ng parusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَسۡرِ بِعِبَادِي لَيۡلًا إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ
Kaya nag-utos si Allāh kay Moises na maglakbay siya kasabay ng mga tao nito sa isang gabi, at nagpabatid Siya rito na si Paraon at ang mga tao niyon ay susunod sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱتۡرُكِ ٱلۡبَحۡرَ رَهۡوًاۖ إِنَّهُمۡ جُندٞ مُّغۡرَقُونَ
Nag-utos Siya rito, kapag nakatawid sa dagat ito at ang mga anak ni Israel, na iwan nito ang dagat nang tahimik gaya ng dati. Tunay na si Paraon at ang mga kawal niyon ay mga ipahahamak sa pagkalunod sa dagat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَمۡ تَرَكُواْ مِن جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ
Kay rami ng iniwanan ni Paraon at ng mga tao nito sa likuran nila na mga pataniman at mga bukal na dumadaloy!
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَزُرُوعٖ وَمَقَامٖ كَرِيمٖ
Kay rami ng iniwanan nila sa likuran nila na mga pananim at pinagtitipunang maganda!
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنَعۡمَةٖ كَانُواْ فِيهَا فَٰكِهِينَ
Kay rami ng iniwanan nila sa likuran nila na kabuhayang sila dati roon ay mga nagtatamasa!
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا قَوۡمًا ءَاخَرِينَ
Gayon nga, nangyari sa kanila ang inilarawan sa inyo. Nagpamana Kami sa mga hardin nila, mga bukal nila, mga pananim nila, at mga pinanatilihan nila sa mga ibang tao, ang mga anak ni Israel.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَمَا بَكَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَا كَانُواْ مُنظَرِينَ
Kaya hindi umiyak kay Paraon at sa mga tao nito ang langit at ang lupa nang nalunod sila, at sila noon ay hindi mga palulugitan upang magbalik-loob.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدۡ نَجَّيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مِنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ
Talaga ngang sumagip Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang mang-aaba yayamang noon si Paraon at ang mga tao nito ay pumapatay sa mga anak nila at nagpapanatiling buhay sa mga kababaihan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مِن فِرۡعَوۡنَۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَالِيٗا مِّنَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Sumagip Kami sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Paraon. Tunay na siya dati ay nagmamalaki kabilang sa mga lumalabag sa utos ni Allāh at relihiyon Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدِ ٱخۡتَرۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ عِلۡمٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang pumili Kami sa mga anak ni Israel ayon sa kaalaman mula sa Amin higit sa [lahat ng] mga nilalang sa panahon nila dahil sa dami ng mga propeta nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَءَاتَيۡنَٰهُم مِّنَ ٱلۡأٓيَٰتِ مَا فِيهِ بَلَٰٓؤٞاْ مُّبِينٌ
Nagbigay Kami sa kanila ng mga katunayan at mga patotoo na inalalay Namin kay Moises na anumang may biyayang hayag para sa kanila gaya ng manna at pugo, at iba pa sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَيَقُولُونَ
Tunay na ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito ay talagang nagsasabi habang nagkakaila sa pagkabuhay na muli:
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنۡ هِيَ إِلَّا مَوۡتَتُنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُنشَرِينَ
"Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una saka walang buhay matapos nito at kami ay hindi mga bubuhaying muli matapos ng kamatayang ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad ka, O Muḥammad, ikaw at ang sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga tagasunod mo ng mga magulang naming namatay bilang mga buhay, kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo na si Allāh ay bubuhay sa mga patay bilang mga buhay [na muli] para sa pagtutuos at pagganti."
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَهُمۡ خَيۡرٌ أَمۡ قَوۡمُ تُبَّعٖ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Ito bang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa iyo, O sugo, ay higit na mabuti sa lakas at tatag, o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa sa kanila tulad ng `Ād at Thamūd, na ipinahamak Namin sa kalahatan? Tunay na sila ay mga salarin noon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito habang mga naglalaro sa paglikha sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَا خَلَقۡنَٰهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa malibang dahil sa isang kasanhiang malalim subalit ang karamihan sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam niyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• وجوب لجوء المؤمن إلى ربه أن يحفظه من كيد عدوّه.
Ang pagkatungkulin ng pagdulog ng mananampalataya sa Panginoon nito na mangalaga Siya rito laban sa pakana ng kaaway nito.

• مشروعية الدعاء على الكفار عندما لا يستجيبون للدعوة، وعندما يحاربون أهلها.
Ang pagkaisinasabatas ng panalangin laban sa mga tagatangging sumampalataya kapag hindi sila tumugon sa paanyaya at kapag nakikidigma sila sa mga alagad nito.

• الكون لا يحزن لموت الكافر لهوانه على الله.
Ang Sansinukob ay hindi nalulungkot sa pagkamatay ng tagatangging sumampalataya dahil sa pagkahamak nito kay Allāh.

• خلق السماوات والأرض لحكمة بالغة يجهلها الملحدون.
Ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay dahil isa isang kasanhiang malalim na hindi nalalaman ng mga Ateista.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Ad-Dukhān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara