Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (33) Surah: Al-Ahqāf
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَلَمۡ يَعۡيَ بِخَلۡقِهِنَّ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Hindi ba napag-alaman nitong mga tagapagtambal at mga tagapagpasinungaling sa pagbubuhay na si Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa at hindi nawalang-kakayahan sa paglikha sa mga ito sa kabila ng kalakihan ng mga ito at kalawakan ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti? Oo; tunay na Siya ay talagang nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa kanila. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa mga patay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من حسن الأدب الاستماع إلى المتكلم والإنصات له.
Bahagi ng kagandahan ng kaasalan ang pakikinig sa nagsasalita at ang pananahimik para sa kanya.

• سرعة استجابة المهتدين من الجنّ إلى الحق رسالة ترغيب إلى الإنس.
Ang bilis ng pagtugon ng mga napatnubayan kabilang sa mga jinn sa katotohanan ay isang mensahe ng pagpapaibig sa tao.

• الاستجابة إلى الحق تقتضي المسارعة في الدعوة إليه.
Ang pagtugon sa katotohanan ay humihiling ng pagdadali-dali sa pag-aanyaya tungo roon.

• الصبر خلق الأنبياء عليهم السلام.
Ang pagtitiis ay kaasalan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (33) Surah: Al-Ahqāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara