Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (23) Surah: Al-Fat'h
سُنَّةَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلُۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗا
Ang pananaig ng mga mananampalataya at ang pagkatalo ng mga tagatangging sumampalataya ay nagaganap sa bawat panahon at lugar sapagkat ito ay kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang nakalipas bago ng mga tagapagpasinungaling na ito. Hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إخبار القرآن بمغيبات تحققت فيما بعد - مثل الفتوح الإسلامية - دليل قاطع على أن القرآن الكريم من عند الله.
Ang pagpapabatid ng Qur'ān ng mga nakalingid na nagkatotoo bandang huli tulad ng mga pagsakop ng Islām ay isang patunay na tiyakan na ang Marangal na Qur'ān ay mula sa ganang kay Allāh.

• تقوم أحكام الشريعة على الرفق واليسر.
Nakasalig ang mga patakaran ng Batas ng Islām sa kabanayaran at kadalian.

• جزاء أهل بيعة الرضوان منه ما هو معجل، ومنه ما هو مدَّخر لهم في الآخرة.
Ang ganti sa mga kasama sa pagpapahayag ng katapatan ng pagkalugod ay mayroong kaagad-agad at mayroong inilaan para sa kanila sa Kabilang-buhay.

• غلبة الحق وأهله على الباطل وأهله سُنَّة إلهية.
Ang pananaig ng katotohanan at mga alagad nito laban sa kabulaanan at mga alagad nito ay kalakarang makadiyos.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (23) Surah: Al-Fat'h
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara