Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Al-Hujurāt
قُلۡ أَتُعَلِّمُونَ ٱللَّهَ بِدِينِكُمۡ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Sabihin mo, o Sugo, sa mga Arabeng disyerto na ito: "Nagtuturo ba kayo kay Allāh at nagpapatalos kayo sa Kanya ng relihiyon ninyo, samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya hindi Siya nangangailangan ng pagpapaalam ninyo sa Kanya ng relihiyon ninyo."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• سوء الظن بأهل الخير معصية، ويجوز الحذر من أهل الشر بسوء الظن بهم.
Ang kasagwaan ng pagpapalagay sa mga alagad ng kabutihan ay isang pagsuway. Ipinahihintulot ang pag-iingat laban sa mga alagad ng kasamaan sa pamamagitan ng masagwang pagpapalagay sa kanila.

• وحدة أصل بني البشر تقتضي نبذ التفاخر بالأنساب.
Ang kaisahan ng pinagmulan ng mga anak ng Sangkatauhan ay humihiling ng pagwawaksi ng pagmamayabangan sa mga kaangkanan.

• الإيمان ليس مجرد نطق لا يوافقه اعتقاد، بل هو اعتقاد بالجَنان، وقول باللسان، وعمل بالأركان.
Ang pananampalataya ay hindi isang payak na pagbigkas na hindi nasasang-ayunan ng paniniwala, bagkus ito ay paniniwala sa pamamagitan ng puso, pagsasabi sa pamamagitan ng dila, at paggawa sa mga saligan [ng pananampalataya].

• هداية التوفيق بيد الله وحده وهي فضل منه سبحانه ليست حقًّا لأحد.
Ang kapatnubayan sa pagkakatuon [sa tama] ay nasa kamay ni Allāh lamang. Ito ay isang kabutihang-loob mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Hindi ito isang karapatan ng isa man.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Al-Hujurāt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara