Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (104) Surah: Al-Mā’idah
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَإِلَى ٱلرَّسُولِ قَالُواْ حَسۡبُنَا مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ءَابَآؤُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَهۡتَدُونَ
Kapag sinabi sa mga gumawa-gawang ito laban kay Allāh ng kasinungalingan ng pagbabawal sa ilan sa mga hayupan: "Halikayo sa pinababa ni Allāh na Qur'ān at sa Sunnah ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakilala kayo sa ipinahihintulot sa ipinagbabawal" ay nagsasabi naman sila: "Nakasasapat sa amin ang nakuha namin at minana namin buhat sa mga ninuno namin na mga paniniwala, mga sinasabi, at mga ginagawa." Papaanong nakasasapat sa kanila iyon samantalang noon nga ang mga ninuno nila ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan sa katotohanan? Kaya naman walang sumusunod sa kanila kundi ang sinumang higit na mangmang kaysa sa kanila at higit na ligaw sa landas sapagkat sila ay mga mangmang na ligaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إذا ألزم العبد نفسه بطاعة الله، وأمر بالمعروف ونهى عن المنكر بحسب طاقته، فلا يضره بعد ذلك ضلال أحد، ولن يُسْأل عن غيره من الناس، وخاصة أهل الضلال منهم.
Kapag nag-obliga ang tao sa sarili niya ng pagtalima kay Allāh, pag-uutos ng nakabubuti, at pagsaway sa nakasasama alinsunod sa kakayahan niya, hindi makapipinsala sa kanya matapos niyon ang pagkaligaw ng isang tao at hindi siya tatanungin tungkol sa iba pang mga tao, at lalo na sa mga alagad ng pagkaligaw kabilang sa kanila.

• الترغيب في كتابة الوصية، مع صيانتها بإشهاد العدول عليها.
Ang paghihikayat sa pagsulat ng habilin kalakip ng pangangalaga rito sa pamamagitan ng pagpapasaksi rito sa mga makatarungan.

• بيان الصورة الشرعية لسؤال الشهود عن الوصية.
Ang paglilinaw sa anyong legal para sa pagtatanong sa mga saksi tungkol sa habilin.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (104) Surah: Al-Mā’idah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara