Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (115) Surah: Al-Mā’idah
قَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيۡكُمۡۖ فَمَن يَكۡفُرۡ بَعۡدُ مِنكُمۡ فَإِنِّيٓ أُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا لَّآ أُعَذِّبُهُۥٓ أَحَدٗا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya tumugon si Allāh sa panalangin ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi: "Tunay na Ako ay magbababa ng hapag na ito na hiniling ninyo ang pagpapababa nito sa inyo. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagpapababa nito ay huwag nga siyang maninisi maliban sa sarili niya sapagkat magpaparusa Ako sa kanya ng isang pagdurusang matinding hindi Ako nagpaparusa nito sa isa man dahil siya ay nakasasaksi sa himalang kahanga-hanga kaya ang kawalang-pananampalataya niya ay naging kawalang-pananampalataya ng pagmamatigas." Nagsasakatuparan si Allāh para sa kanila ng pangako Niya kaya nagpababa Siya nito sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• توعد الله تعالى كل من أصرَّ على كفره وعناده بعد قيام الحجة الواضحة عليه.
Nagbanta si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat nagpumilit sa kawalang-pananampalataya nito at pagmamatigas nito matapos ng paglalahad ng katwirang maliwanag dito.

• تَبْرئة المسيح عليه السلام من ادعاء النصارى بأنه أبلغهم أنه الله أو أنه ابن الله أو أنه ادعى الربوبية أو الألوهية.
Ang pagpapawalang-kaugnayan kay Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pag-aangkin ng mga Kristiyano na siya raw ay nagpaabot sa kanila na siya ay si Allāh o na siya ay anak ni Allāh o na siya ay nag-angkin ng pagkapanginoon o pagkadiyos.

• أن الله تعالى يسأل يوم القيامة عظماء الناس وأشرافهم من الرسل، فكيف بمن دونهم درجة؟!
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay magtatanong sa Araw ng Pagbangon sa mga dakila at mga maharlika ng mga tao na mga sugo, kaya papaano na ang sinumang mababa sa kanila sa antas?

• علو منزلة الصدق، وثناء الله تعالى على أهله، وبيان نفع الصدق لأهله يوم القيامة.
Ang kataasan ng kalagayan ng katapatan, ang pagpapapuri ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga alagad nito, at ang paglilinaw sa pakinabang sa katapatan para sa mga alagad nito sa Araw ng Pagbangon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (115) Surah: Al-Mā’idah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara