Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (4) Surah: Al-Mā’idah
يَسۡـَٔلُونَكَ مَاذَآ أُحِلَّ لَهُمۡۖ قُلۡ أُحِلَّ لَكُمُ ٱلطَّيِّبَٰتُ وَمَا عَلَّمۡتُم مِّنَ ٱلۡجَوَارِحِ مُكَلِّبِينَ تُعَلِّمُونَهُنَّ مِمَّا عَلَّمَكُمُ ٱللَّهُۖ فَكُلُواْ مِمَّآ أَمۡسَكۡنَ عَلَيۡكُمۡ وَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهِۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga Kasamahan mo kung ano ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila na kainin. Sabihin mo, O Sugo: "Nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng anumang naging kaaya-aya sa mga pagkain at ng pagkain ng pinangaso ng mga sinanay na mga hayop na may mga pangil gaya ng mga aso at mga leopardo at mga ibong may mga pandagit na kuko gaya ng mga lawin. Nagturo kayo sa mga ito ng pangangaso, na kabilang sa iminagandang-loob ni Allāh sa inyo na kaalaman sa paghubog sa mga ito hanggang sa kapag inuutusan ang mga ito ay nauutusan ang mga ito at kapag pinipigilan ang mga ito ay napipigilan ang mga ito. Kaya kumain kayo mula sa nahuli ng mga ito kabilang sa pinangangasong hayop kahit pa man napatay na. Bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa pagpapawala sa mga ito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pagpipigil sa mga sinasaway Niya." Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تحريم ما مات دون ذكاة، والدم المسفوح، ولحم الخنزير، وما ذُكِرَ عليه اسْمٌ غير اسم الله عند الذبح، وكل ميت خنقًا، أو ضربًا، أو بسقوط من علو، أو نطحًا، أو افتراسًا من وحش، ويُستثنى من ذلك ما أُدرِكَ حيًّا وذُكّيَ بذبح شرعي.
Ang pagbabawal sa anumang namatay nang walang pagkakatay, sa dugo, sa laman ng baboy, sa anumang binanggitan ng pangalang hindi pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay, sa bawat namatay sa pagbigti o sa palo o sa pagkalaglag mula sa mataas o sa suwag o sa paninila ng mabangis na hayop ngunit itinatangi roon ang anuman naabutang buhay pa at nakatay ayon sa pagkatay na isinasabatas sa Islām.

• حِلُّ ما صاد كل مدرَّبٍ ذي ناب أو ذي مخلب.
Ang pagkaipinahihintulot ng nahuli ng bawat sinanay na hayop na may pangil o ibong may kukong pandagit.

• إباحة ذبائح أهل الكتاب، وإباحة نكاح حرائرهم من العفيفات.
Ang pagpayag sa pagkain ng mga kinatay ng mga May Kasulatan at ang pagpayag sa pag-asawa sa mga babaing malaya nila kabilang sa mga malinis ang puri.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (4) Surah: Al-Mā’idah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara