Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (52) Surah: Al-Mā’idah
فَتَرَى ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ يُسَٰرِعُونَ فِيهِمۡ يَقُولُونَ نَخۡشَىٰٓ أَن تُصِيبَنَا دَآئِرَةٞۚ فَعَسَى ٱللَّهُ أَن يَأۡتِيَ بِٱلۡفَتۡحِ أَوۡ أَمۡرٖ مِّنۡ عِندِهِۦ فَيُصۡبِحُواْ عَلَىٰ مَآ أَسَرُّواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ نَٰدِمِينَ
Kaya nakikita mo, O Sugo, ang mga mapagpaimbabaw na mga mahina ang pananampalataya habang nagdadali-dali sa pakikipagtangkilikan sa mga Hudyo at mga Kristiyano, samantalang mga nagsasabi: "Nangangamba kami na magtagumpay ang mga ito at maging ukol sa kanila ang kapamahalaan saka may dumapo sa amin mula sa kanila na isang kinasusuklaman." Ngunit harinawang si Allāh ay maglalagay ng tagumpay sa Sugo at mga mananampalataya, o magdadala ng isang bagay mula sa ganang Kanya na magsisimula sa pamamagitan nito ang kapangyarihan ng mga Hudyo at mga nakikipagtangkilikan sa kanila kaya ang mga nagmamabilis sa pakikipagtangkilikan sa kanila ay mga magsisisi dahil sa ikinubli nila na pagpapaimbabaw sa mga puso nila dahil sa kabulaanan ng kinakapitan nila na mga mahinang kadahilanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• التنبيه علي عقيدة الولاء والبراء التي تتلخص في الموالاة والمحبة لله ورسوله والمؤمنين، وبغض أهل الكفر وتجنُّب محبتهم.
Ang pagtawag-pansin sa paniniwala sa pagtangkilik at pagtatwa na nabubuod sa pakikipagtangkilikan at pag-ibig kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya at ang pagkasuklam sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at ang pag-iwas sa pag-ibig sa kanila.

• من صفات أهل النفاق: موالاة أعداء الله تعالى.
Bahagi ng mga katangian ng mga alagad ng pagpapaimbabaw ay ang pakikipagtangkilikan sa mga kaaway ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• التخاذل والتقصير في نصرة الدين قد ينتج عنه استبدال المُقَصِّر والإتيان بغيره، ونزع شرف نصرة الدين عنه.
Ang pagkakanulo at ang pagkukulang sa pag-aadya sa Islām ay maaaring magresulta ng pagpapalit sa nagkukulang, pagpapalitaw ng iba pa sa kanya, at pag-aalis sa kanya ng karangalan ng pag-aadya sa Islām.

• التحذير من الساخرين بدين الله تعالى من الكفار وأهل النفاق، ومن موالاتهم.
Ang pagbibigay-babala laban sa mga nanunuya sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga alagad ng pagpapaimbabaw at laban sa pakikipagtangkilikan sa kanila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (52) Surah: Al-Mā’idah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara