Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (45) Surah: Qāf
نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِجَبَّارٖۖ فَذَكِّرۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مَن يَخَافُ وَعِيدِ
Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi ng mga tagapagpasinungaling na ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi tagapangibabaw sa kanila para pumilit ka sa kanila sa pananampalataya. Ikaw lamang ay tagapagpaabot ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko para sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway dahil ang nangangamba ay ang napangangaralan at nagsasaalaala kapag pinaalalahanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الاعتبار بوقائع التاريخ من شأن ذوي القلوب الواعية.
Ang pagsasaalang-alang sa mga naganap sa kasaysayan ay kabilang sa gawi ng mga may pusong nakamamalay.

• خلق الله الكون في ستة أيام لِحِكَم يعلمها الله، لعل منها بيان سُنَّة التدرج.
Ang paglikha ni Allāh sa Sansinukob sa anim na araw ay dahil sa mga kasanhiang nalalaman ni Allāh. Marahil kabilang sa mga ito ang paglilinaw sa kalakaran ng pag-uunti-unti.

• سوء أدب اليهود في وصفهم الله تعالى بالتعب بعد خلقه السماوات والأرض، وهذا كفر بالله.
Ang kasagwaan ng kaasalan ng mga Hudyo sa pagkakalarawan kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ng pagkapagod matapos ng paglikha Niya ng mga langit at lupa. Ito ay kawalang-pananampalataya kay Allāh.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (45) Surah: Qāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara