Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Adh-Dhāriyāt   Ayah:
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡحُبُكِ
Sumusumpa si Allāh sa langit na maganda ang pagkalikha na may mga daan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّكُمۡ لَفِي قَوۡلٖ مُّخۡتَلِفٖ
na tunay na kayo, O mga naninirahan sa Makkah, ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakasalungatan na nagkakabanggaan. Minsan ay nagsasabi kayo na ang Qur'ān ay panggagaway, at minsan naman ay tula. Nagsasabi kayo na si Muḥammad ay manggagaway minsan, at minsan ay manunula.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يُؤۡفَكُ عَنۡهُ مَنۡ أُفِكَ
Naibabaling palayo sa pananampalataya sa Qur'ān at sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang sinumang naibaling palayo ayon sa pagkakaalam ni Allāh batay sa kaalaman Niya na iyon ay hindi nananampalataya kaya naman hindi itinutuon sa kapatnubayan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُتِلَ ٱلۡخَرَّٰصُونَ
Isinumpa ang mga palasinungaling na nagsabi hinggil sa Qur'ān at hinggil sa Propeta nila ng sinabi nila,
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي غَمۡرَةٖ سَاهُونَ
na sila sa kamangmangan ay mga nalilingat sa Tahanang Pangkabilang-buhay, na hindi pumapansin doon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَسۡـَٔلُونَ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggaganti?" Sila ay hindi nakaaalam niyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ يُفۡتَنُونَ
Kaya sasagot sa kanila si Allāh tungkol sa tanong nila: Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay pinagdurusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ
Sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa ninyo; ito ay ang dati ninyong hinihiling ang pagpapadali nito nang namamanata kayo nito bilang pangungutya!"
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa Araw ng Pagbangon ay nasa mga taniman at mga bukal na dumadaloy,
Ang mga Tafsir na Arabe:
ءَاخِذِينَ مَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُحۡسِنِينَ
habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila na masaganang ganti. Tunay na sila dati bago ng masaganang ganting ito ay mga tagagawa ng maganda sa Mundo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَانُواْ قَلِيلٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مَا يَهۡجَعُونَ
Sila noon ay nagdarasal sa bahagi ng gabi; hindi sila natutulog kundi sa panahong kakaunti.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ
Sa oras ng mga huling bahagi ng gabi, humihiling sila ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَفِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
Sa mga yaman nila ay may karapatan – na ikinukusang-loob nila – para sa nanghihingi kabilang sa mga tao at para sa hindi nanghihingi sa kanila kabilang sa napagkaitan ng panustos dahil sa alinmang kadahilanang nangyari.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَفِي ٱلۡأَرۡضِ ءَايَٰتٞ لِّلۡمُوقِنِينَ
Sa lupa at anumang inilagay ni Allāh rito na mga bundok, mga dagat, mga ilog, mga punong-kahoy, mga halaman, at mga hayop ay may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga nakatitiyak na si Allāh ay ang Tagalikha, ang Tagaanyo,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَفِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
at sa mga sarili ninyo, O mga tao, ay may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh. Kaya hindi ba kayo nakakikita upang magsaalang-alang kayo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَفِي ٱلسَّمَآءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ
Sa langit ay ang panustos ninyong pangmundo at panrelihiyon at naroon ang ipinangangako sa inyo na kabutihan o kasamaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقّٞ مِّثۡلَ مَآ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ang pagbubuhay ay talagang totoo na walang pagdududa roon, gaya ng walang pagdududa sa pagbigkas ninyo kapag bumibigkas kayo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
Dumating kaya sa iyo, O Sugo, ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kabilang sa mga anghel na pinarangalan niya?
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
Nang pumasok sila sa kanya at nagsabi sila sa kanya ng kapayapaan ay nagsabi naman si Abraham bilang pagtugon sa kanila: "Kapayapaan," at nagsabi siya sa sarili niya: "Ang mga ito ay mga taong hindi namin nakikilala."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَرَاغَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ فَجَآءَ بِعِجۡلٖ سَمِينٖ
Kaya kumiling siya sa mag-anak niya nang pakubli, saka naghatid ang nasa piling nila ng isang guyang buo na mataba, dala ng isang pagpapalagay mula sa kanya na sila ay mga tao.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَقَرَّبَهُۥٓ إِلَيۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ
Kaya naglapit siya ng guya sa kanila at kinausap niya sila nang banayad: "Hindi ba kayo kakain ang inihain para sa inyo na pagkain?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Kaya noong hindi sila kumain, nagkimkim siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila ngunit nakatalos sila sa kanya kaya nagsabi sila habang mga nagpapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay mga sugo mula sa ganang kay Allāh." Nagpabatid sila sa kanya ng ikinagagalak niya, na siya ay magkakaanak ng isang batang lalaking may maraming kaalaman. Ang ibinalitang nakagagalak ay si Isaac – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِي صَرَّةٖ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِيمٞ
Kaya noong narinig ng maybahay niya ang balitang nakasisiya, lumapit ito habang sumisigaw sa tuwa, saka tinampal nito ang mukha nito at nagsabi habang nagtataka: "Manganganak ba ang isang matandang babae gayong siya sa simula pa ay isang baog?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالُواْ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagsabi rito ang mga anghel: "Ang ipinabatid namin sa iyo ay sinabi ng Panginoon mo. Ang anumang sinabi Niya ay walang makapagtutulak doon; tunay na Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pagtatakda Niya, ang Maalam sa nilikha Niya at anumang naaangkop para sa kanila."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إحسان العمل وإخلاصه لله سبب لدخول الجنة.
Ang pagpapaganda ng gawa at ang pagpapawagas ng pag-ukol nito para kay Allāh ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• فضل قيام الليل وأنه من أفضل القربات.
Ang kainaman ng pagdarasal sa gabi [ng qiyāmullayl] at na ito ay kabilang sa pinakamainam na mga pampalapit-loob [kay Allāh].

• من آداب الضيافة: رد التحية بأحسن منها، وتحضير المائدة خفية، والاستعداد للضيوف قبل نزولهم، وعدم استثناء شيء من المائدة، والإشراف على تحضيرها، والإسراع بها، وتقريبها للضيوف، وخطابهم برفق.
Kabilang sa mga kaasalan sa pagtanggap ng panauhin: ang pagtugon sa pagbati ng higit na maganda kaysa roon, ang paghahanda ng hapag-kainan nang pakubli, ang paghahanda para sa mga panauhin bago ng panunuluyan nila, ang hindi pagwawaglit ng anuman sa hapag-kainan, ang pangangasiwa sa paghahanda nito, ang pagpapabilis dito, ang paglalapit nito sa mga panauhin, at ang pakikipag-usap sa kanila nang banayad.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Adh-Dhāriyāt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara