Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Toor   Ayah:
أَمۡ تَأۡمُرُهُمۡ أَحۡلَٰمُهُم بِهَٰذَآۚ أَمۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ
Bagkus nag-uutos ba sa kanila ang mga pang-unawa nila dahil sa sabi nila: "Tunay na siya ay manghuhula at baliw" sapagkat nagsama sila sa pagitan ng hindi naipagsasama sa isang tao? Bagkus sila ay mga taong lumalampas sa mga hangganan kaya hindi sila bumabalik sa batas o pang-unawa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُۥۚ بَل لَّا يُؤۡمِنُونَ
O nagsasabi ba sila: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito at hindi naman nagkasi sa kanya nito?" Hindi siya lumikha-likha nito. Bagkus sila ay nagmamalaki laban sa pananampalataya rito sapagkat nagsasabi silang ginawa-gawa niya ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلۡيَأۡتُواْ بِحَدِيثٖ مِّثۡلِهِۦٓ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad nito – kahit pa man iyon ay nilikha-likha – kung sila ay mga tapat sa pag-aangkin nila na siya ay lumikha-likha nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ خُلِقُواْ مِنۡ غَيۡرِ شَيۡءٍ أَمۡ هُمُ ٱلۡخَٰلِقُونَ
O nilikha ba sila mula sa hindi isang tagalikhang lumilikha sa kanila o sila ay ang mga tagalikha para sa mga sarili nila? Hindi maaari ang pag-iral ng isang nilikha nang walang tagalikha, ni ng isang nilikha na lumilikha, kaya bakit hindi sila sumasamba sa Tagalikha nila?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ خَلَقُواْ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ
O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak na si Allāh ay ang Tagalikha nila yayamang kung sakaling natiyak nila iyon ay talaga sanang naniwala sila sa kaisahan Niya at talaga sanang sumampalataya sila sa Sugo Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ عِندَهُمۡ خَزَآئِنُ رَبِّكَ أَمۡ هُمُ ٱلۡمُصَۜيۡطِرُونَ
O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon para sa panustos para magkaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at para sa pagkapropeta para magbigay sila nito o magkait sila nito sa sinumang ninais nila? O sila ay ang mga nakapangyayari na mga tagapagsagawa alinsunod sa kalooban nila?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَهُمۡ سُلَّمٞ يَسۡتَمِعُونَ فِيهِۖ فَلۡيَأۡتِ مُسۡتَمِعُهُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
O mayroon ba silang isang akyatan na ipinang-aakyat nila sa langit, na nakapapakinig sila roon sa kasi ni Allāh na ikinakasi Niya na sila ay nasa katotohanan? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang sinumang nakapakinig kabilang sa kanila sa pagkasing iyon ng isang katwirang maliwanag na magpapatotoo sa inaangkin ninyo na kayo ay nasa katotohanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَهُ ٱلۡبَنَٰتُ وَلَكُمُ ٱلۡبَنُونَ
O ukol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang mga anak na babae na kinasusuklaman ninyo at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki na naiibigan ninyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ
O humihiling ka ba sa kanila, O Sugo, ng isang pabuya sa ipinaabot mo sa kanila buhat sa Panginoon mo kaya sila dahilan doon ay mga naatangan ng isang pabigat na hindi sila nakakakaya sa pagpasan niyon?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ
O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay nagsusulat para sa mga tao ng ipinatatalos sa kanila mula sa mga [kaalamang] lingid saka nagpapabatid sila ng anumang niloob nila mula sa mga ito?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ يُرِيدُونَ كَيۡدٗاۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هُمُ ٱلۡمَكِيدُونَ
O nagnanais ba ang mga tagapagpasinungaling na ito ng isang pakana laban sa iyo at laban sa relihiyon mo? Kaya magtiwala ka kay Allāh sapagkat ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay ang mga nilalansi, hindi ikaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَمۡ لَهُمۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
O mayroon ba silang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa kay Allāh? Nagpakawalang-ugnayan si Allāh at nagpakabanal Siya higit sa inuugnay nila sa Kanya na katambal! Lahat ng naunang nabanggit ay hindi nangyari at hindi naguguniguni sa isang kalagayan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن يَرَوۡاْ كِسۡفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ سَاقِطٗا يَقُولُواْ سَحَابٞ مَّرۡكُومٞ
Kung may makikita sila na isang piraso mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila tungkol doon: "Iyan ay mga ulap na nagkabuntun-bunton ang bahagi nito sa ibabaw ng iba, gaya ng nakagawian." Kaya naman hindi sila napangangaralan at hindi sila sumasampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَذَرۡهُمۡ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي فِيهِ يُصۡعَقُونَ
Kaya iwan mo sila, O Sugo, sa pagmamatigas nila at pagtanggi nila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay pagdurusahin sila, ang Araw ng Pagbangon,
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي عَنۡهُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang pakana nila ng anumang kaunti o marami ni sila iaadya sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ عَذَابٗا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal at mga pagsuway ay isang pagdurusa bago ng pagdurusa sa Kabilang-buhay. Sa Mundo ay sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at sa Barzakh ay sa pamamagitan ng pagdurusa sa libingan, subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya dahil doon nananatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعۡيُنِنَاۖ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ
Magtiis ka, o Sugo, sa husga ng Panginoon mo at sa hatol Niyang pambatas sapagkat tunay na ikaw ay nasa isang pagtingin mula sa Amin at isang pag-iingat, at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka mula sa pagtulog mo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَإِدۡبَٰرَ ٱلنُّجُومِ
Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Panginoon mo at magdasal ka sa Kanya. Magdasal ka ng dasal sa madaling-araw sa oras ng paglubog ng mga bituin sa paglaho ng mga ito dahil sa tanglaw ng maghapon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الطغيان سبب من أسباب الضلال.
Ang pagmamalabis ay isang kadahilanan kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaligaw.

• أهمية الجدال العقلي في إثبات حقائق الدين.
Ang kahalagahan ng pakikipagdebateng pangkaisipan sa pagpapatibay sa mga katotohanan ng Relihiyon.

• ثبوت عذاب البَرْزَخ.
Ang pagpapatibay sa pagdurusa sa Barzakh.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: At-Toor
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara