Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (22) Surah: Al-Hadīd
مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ أَن نَّبۡرَأَهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Walang tumama sa mga tao na anumang kasawian sa lupa gaya ng tagtuyot at iba pa rito, ni tumama sa kanila na anumang kasawian sa mga sarili nila malibang ito ay napagtibay sa Tablerong Pinag-iingatan mula bago pa Kami lumikha ng mga nilikha. Tunay na iyon kay Allāh ay magaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الزهد في الدنيا وما فيها من شهوات، والترغيب في الآخرة وما فيها من نعيم دائم يُعينان على سلوك الصراط المستقيم.
Ang kawalang-pagpapahalaga sa Mundo at anumang narito na mga ninanasa at ang pagpapaibig sa Kabilang-buhay at anumang naroon na kaginhawahang mamamalagi ay nakatutulong sa pagtahak sa landasing tuwid.

• وجوب الإيمان بالقدر.
Ang pagkatungkulin ng Pananampalataya sa Pagtatakda.

• من فوائد الإيمان بالقدر عدم الحزن على ما فات من حظوظ الدنيا.
Kabilang sa mga pakinabang ng pananampalataya sa pagtatakda ang kawalan ng pagkalungkot sa anumang nakaalpas na mga bahagi sa Mundo.

• البخل والأمر به خصلتان ذميمتان لا يتصف بهما المؤمن.
Ang karamutan at ang pag-uutos dito ay dalawang katangian napupulaan na hindi nailalarawan sa mga ito ang mananampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (22) Surah: Al-Hadīd
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara