Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (22) Surah: Al-Mujādalah
لَّا تَجِدُ قَوۡمٗا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ يُوَآدُّونَ مَنۡ حَآدَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَوۡ كَانُوٓاْ ءَابَآءَهُمۡ أَوۡ أَبۡنَآءَهُمۡ أَوۡ إِخۡوَٰنَهُمۡ أَوۡ عَشِيرَتَهُمۡۚ أُوْلَٰٓئِكَ كَتَبَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡإِيمَٰنَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٖ مِّنۡهُۖ وَيُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ رَضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ أُوْلَٰٓئِكَ حِزۡبُ ٱللَّهِۚ أَلَآ إِنَّ حِزۡبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Hindi ka makatatagpo, O Sugo, ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Huling Araw na umiibig at nakikipagtangkilikan sa sinumang nakipag-away kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga kaaway na ito para kay Allāh at para sa Sugo Niya ay mga magulang nila o sila ay mga anak ng mga ito o sila ay mga kapatid ng mga ito o angkan nila na kinauugnayan nila dahil ang pananampalataya ay humahadlang sa pakikipagtangkilikan sa mga kaaway ni Allāh at ng Sugo Niya at dahil ang ugnayan ng pananampalataya ay higit na mataas kaysa sa lahat ng mga ugnayan sapagkat ito ay inuuna sa sandali ng salungatan. Ang mga hindi nakikipagtangkilikang iyon sa sinumang nakipag-away kay Allāh at sa Sugo Niya – kahit pa man ang mga ito ay mga kamag-anak – ay ang mga pinatibay ni Allāh ang pananampalataya sa mga puso nila kaya naman hindi nagbabago ito at pinalakas Niya sila sa pamamagitan ng isang patotoo mula sa Kanya at isang liwanag. Magpapapasok Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Hindi napuputol sa kanila ang kaginhawahan sa mga ito at hindi sila mapupuksa. Nalugod si Allāh sa kanila sa isang pagkalugod na hindi Siya maiinis matapos nito magpakailanman, at nalugod sila mismo sa Kanya dahil sa ibinigay Niya sa kanila na kaginhawahang hindi nauubos. Kabilang dito ang pagkakita [nila] sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Ang mga nailalarawang iyon ayon sa nabanggit ay ang mga kawal ni Allāh, na mga sumusunod sa ipinag-utos Niya at nagpipigil sa sinaway Niya. Pansinin, tunay na ang mga kawal ni Allāh ay ang mga magwawagi dahil sa makakamit nila na hinihiling nila at dahil sa makaaalpas sa kanila na pinangingilabutan nila sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• المحبة التي لا تجعل المسلم يتبرأ من دين الكافر ويكرهه، فإنها محرمة، أما المحبة الفطرية؛ كمحبة المسلم لقريبه الكافر، فإنها جائزة.
Ang pag-ibig na hindi gumagawa sa Muslim na magpapawalang-kaugnayan sa relihiyon ng tagatangging sumampalataya at masusuklam dito, tunay na ito ay ipinagbabawal. Tungkol naman sa pag-ibig na likas gaya ng pag-ibig ng Muslim sa kamag-anak niyang tagatangging sumampalataya, tunay na ito ay ipinahihintulot.

• رابطة الإيمان أوثق الروابط بين أهل الإيمان.
Ang ugnayan ng pananampalataya ay ang pinakamatibay sa mga ugnayan sa pagitan ng mga alagad ng pananampalataya.

• قد يعلو أهل الباطل حتى يُظن أنهم لن ينهزموا، فتأتي هزيمتهم من حيث لا يتوقعون.
Maaaring tumaas ang mga kampon ng kabulaanan hanggang sa ipagpalagay na sila ay hindi matatalo, ngunit darating ang pagkatalo nila mula sa kung saan hindi nila inaasahan.

• من قدر الله في الناس دفع المصائب بوقوع ما دونها من المصائب.
Kabilang sa pagtatakda ni Allāh sa mga tao ang pagtutulak ng mga sakuna sa pamamagitan ng pagkaganap ng higit na mababa sa mga ito na mga sakuna.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (22) Surah: Al-Mujādalah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara