Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (5) Surah: Al-Hashr
مَا قَطَعۡتُم مِّن لِّينَةٍ أَوۡ تَرَكۡتُمُوهَا قَآئِمَةً عَلَىٰٓ أُصُولِهَا فَبِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَلِيُخۡزِيَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Ang anumang pinutol ninyo, O katipunan ng mga mananampalataya, na isang [punong] datiles upang magpangitngit kayo sa mga kaaway ni Allāh sa paglusob ng angkan ng Naḍīr, o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito upang makinabang kayo rito ay ayon sa utos ni Allāh at hindi kabilang sa kaguluhan sa lupa gaya ng inakala nila, at upang abahin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya kabilang sa mga Hudyo na sumira sa kasunduan at pumili sa landas ng pagtataksil higit sa daan ng pagtupad.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• فعل ما يُظنُّ أنه مفسدة لتحقيق مصلحة عظمى لا يدخل في باب الفساد في الأرض.
Ang paggawa ng ipinagpapalagay na ito ay panggulo para magsakatuparan ng isang kapakanang pinakadakila ay hindi pumapasok sa pinto ng kaguluhan sa lupa.

• من محاسن الإسلام مراعاة ذي الحاجة للمال، فَصَرَفَ الفيء لهم دون الأغنياء المكتفين بما عندهم.
Kabilang sa mga kagandahan ng Islām ang pagsasaalang-alang sa mga may pangangailangan sa salapi kaya naglaan ito ng nakumpiskang yaman sa kanila sa halip na sa mga mayaman na nakasasapat sa taglay ng mga ito.

• الإيثار منقبة عظيمة من مناقب الإسلام ظهرت في الأنصار أحسن ظهور.
Ang altruismo ay isa sa mga dakilang napupurihang katangian sa Islām na lumitaw sa mga Tagapag-adya sa pinakamagandang paglitaw.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (5) Surah: Al-Hashr
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara