Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (125) Surah: Al-An‘ām
فَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يَهۡدِيَهُۥ يَشۡرَحۡ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِۖ وَمَن يُرِدۡ أَن يُضِلَّهُۥ يَجۡعَلۡ صَدۡرَهُۥ ضَيِّقًا حَرَجٗا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي ٱلسَّمَآءِۚ كَذَٰلِكَ يَجۡعَلُ ٱللَّهُ ٱلرِّجۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ
Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magtuon tungo sa daan ng kapatnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito at maghahanda Siya rito sa pagtanggap sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magtatwa at hindi magtuon sa kapatnubayan ay gagawin Niya ang dibdib nito na matindi ang kasikipan sa pagtanggap sa katotohanan sa paraang nagiging imposible ang pagpasok ng katotohanan sa puso nito gaya ng pagkaimposible ng pag-akyat nito sa langit at kawalang-kakayahan nito roon sa sarili nito. Kung paanong naglagay si Allāh sa kalagayan ng naliligaw sa kalagayang ito na matinding paninikip, maglalagay Siya ng pagdurusa sa mga hindi sumasampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• سُنَّة الله في الضلال والهداية أنهما من عنده تعالى، أي بخلقه وإيجاده، وهما من فعل العبد باختياره بعد مشيئة الله.
Ang kalakaran ni Allāh sa kaligawan at kapatnubayan na ang dalawang ito ay mula sa ganang Kanya – pagkataas-taas Siya – ibig sabihin: sa pamamagitan ng paglikha Niya at pagpapairal Niya. Ang dalawang ito ay bahagi ng gawain ng tao sa pamamagitan ng pagpili niya matapos ng kalooban ni Allāh.

• ولاية الله للمؤمنين بحسب أعمالهم الصالحة، فكلما زادت أعمالهم الصالحة زادت ولايته لهم والعكس.
Ang pagtangkilik ni Allāh para sa mga mananampalataya ay alinsunod sa mga gawa nilang maayos sapagkat sa tuwing nadaragdagan ang mga gawa nilang maayos ay nadaragdagan ang pagtangkilik Niya para sa kanila, at gayon din ang kabaliktaran.

• من سُنَّة الله أن يولي كل ظالم ظالمًا مثله، يدفعه إلى الشر ويحثه عليه، ويزهِّده في الخير وينفِّره عنه.
Bahagi ng kalakaran ni Allāh ay na ipinatangkilik Niya ang bawat tagalabag sa katarungan sa isa pang tagalabag sa katarungan tulad niya, na humihimok sa kanya sa kasamaan, nag-uudyok sa kanya roon, nagpapasalat sa kanya sa kabutihan, at nagpalayo ng loob niya rito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (125) Surah: Al-An‘ām
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara