Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (133) Surah: Al-An‘ām
وَرَبُّكَ ٱلۡغَنِيُّ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۚ إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَسۡتَخۡلِفۡ مِنۢ بَعۡدِكُم مَّا يَشَآءُ كَمَآ أَنشَأَكُم مِّن ذُرِّيَّةِ قَوۡمٍ ءَاخَرِينَ
Ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya kaya hindi Siya nangangailangan sa kanila ni sa pagsamba nila. Hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya nila. Sa kabila ng kawalang-pangangailangan Niya sa kanila, Siya ay May Awa sa kanila. Kung loloobin Niya ang pagpapahamak sa inyo, O mga taong sumusuway, ay lilipulin Niya kayo sa pamamagitan ng isang parusang mula sa ganang Kanya at paiiralin Niya matapos ng pagpapahamak sa inyo ang sinumang loloobin Niya kabilang sa mga sumasampalataya sa Kanya at tumatalima sa Kanya, gaya ng pagkalikha Niya sa inyo mismo mula sa inapo ng mga ibang taong bago ninyo noon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تفاوت مراتب الخلق في أعمال المعاصي والطاعات يوجب تفاوت مراتبهم في درجات العقاب والثواب.
Ang pagkakaibahan ng mga nibel ng mga nilikha sa mga paggawa ng mga pagsuway at mga pagtalima ay nag-oobliga ng pagkakaibahan ng mga nibel nila sa mga antas ng parusa at gantimpala.

• اتباع الشيطان موجب لانحراف الفطرة حتى تصل لاستحسان القبيح مثل قتل الأولاد ومساواة أصنامهم بالله سبحانه وتعالى.
Ang pagsunod sa demonyo ay tagapag-obliga ng pakalihis ng kalikasan ng pagkalalang hanggang sa umabot sa pagmamaganda sa pangit gaya ng pagpatay sa mga anak at sa pagpapantay sa mga anito nila kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (133) Surah: Al-An‘ām
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara