Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (18) Surah: Al-An‘ām
وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ
Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman ni nadadaig ng isa man. Ang lahat sa Kanya ay mga nagpapasailalim. [Siya ay] na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya, ang Mapagbatid kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• بيان حكمة الله تعالى في إرسال كل رسول من جنس من يرسل إليهم؛ ليكون أبلغ في السماع والوعي والقبول عنه.
Ang paglilinaw sa kasanhian ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagsusugo sa bawat sugo kabilang sa uri ng mga pinagsusuguan upang siya ay maging higit na masidhi sa pandinig, kamalayan, at pagtanggap sa kanya.

• الدعوة للتأمل في أن تكرار سنن الأوّلين في العصيان قد يقابله تكرار سنن الله تعالى في العقاب.
Ang pag-aanyaya sa pagmumuni-muni na ang pag-uulit-ulit sa mga kalakaran ng mga sinauna sa pagsuway ay maaaring tumbasan ng pag-uulit-ulit sa mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagpaparusa.

• وجوب الخوف من المعصية ونتائجها.
Ang pagkatungkulin ng pangamba sa pagsuway at ang mga resulta nito.

• أن ما يصيب البشر من بلاء ليس له صارف إلا الله، وأن ما يصيبهم من خير فلا مانع له إلا الله، فلا رَادَّ لفضله، ولا مانع لنعمته.
Na ang tumatama sa sangkatauhan na pagsubok ay walang tagapagbaling nito kundi si Allāh at na ang tumatama sa kanila na kabutihan ay walang tagahadlang nito kundi si Allāh kaya naman walang tagatanggi sa kabutihang-loob Niya ni tagahadlang sa biyaya Niya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (18) Surah: Al-An‘ām
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara