Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (64) Surah: Al-An‘ām
قُلِ ٱللَّهُ يُنَجِّيكُم مِّنۡهَا وَمِن كُلِّ كَرۡبٖ ثُمَّ أَنتُمۡ تُشۡرِكُونَ
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang sasagip sa inyo mula roon at magbibigay-kaligtasan sa inyo mula sa bawat dalamhati, pagkatapos kayo, matapos niyon, ay nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya sa kalagayan ng kaluwagan kaya may aling kawalang-katarungang higit pa sa isinasagawa ninyo?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إثبات أن النومَ موتٌ، وأن الأرواح تُقْبض فيه، ثم تُرَد عند الاستيقاظ.
Ang pagtitibay na ang pagtulog ay kamatayan, at na ang mga kaluluwa ay kinukuha rito, pagkatapos isinasauli ang mga ito sa sandali ng paggising.

• الاستدلال على استحقاق الله تعالى للألوهية بدليل الفطرة، فإن أهل الكفر يؤمنون بالله تعالى ويرجعون لفطرتهم عند الاضطرار والوقوع في المهالك، فيسألون الله تعالى وحده.
Ang pagpapatunay sa pagiging karapat-dapat ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkadiyos ayon sa patunay ng kalikasan ng pagkalalang, sapagkat tunay na ang mga alagad man ng kawalang-pananampalataya ay nanampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at bumabalik sa kalikasan ng pagkalalang sa kanila sa sandali ng pagkanapipilitan at pagkakasadlak sa mga kapapahamakan saka humihiling sila kay Allāh – pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya.

• إلزام المشركين بمقتضى سلوكهم، وإقامة الدليل على انقلاب فطرتهم، بكونهم يستغيثون بالله وحده في البحر عند الشدة، ويشركون به حين يسلمهم وينجيهم إلى البر.
Ang pag-obliga sa mga tagapagtambal ayon sa kahilingan ng pag-uugali nila at ang paglalahad ng patunay sa pagkabaliktad ng naturalesa nila dahil sila ay nagpapasaklolo kay Allāh lamang sa dagat sa sandali ng kagipitan at nagtatambal sa Kanya kapag nagliligtas Siya sa kanila at sumasagip Siya sa kanila patungo sa katihan.

• عدم جواز الجلوس في مجالس أهل الباطل واللغو، ومفارقتُهم، وعدم العودة لهم إلا في حال إقلاعهم عن ذلك.
Ang hindi pagpapahintulot sa pag-upo sa mga pagtitipon ng mga kampon ng kabulaanan at kawalang-kapararakan, at ang pakikipaghiwalay sa kanila at ang hindi panunumbalik sa kanila malibang sa sandali ng pagkalas nila roon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (64) Surah: Al-An‘ām
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara