Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (69) Surah: Al-An‘ām
وَمَا عَلَى ٱلَّذِينَ يَتَّقُونَ مِنۡ حِسَابِهِم مِّن شَيۡءٖ وَلَٰكِن ذِكۡرَىٰ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Walang kailangan sa mga nangingilag magkasala kay Allāh, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na pagtutuos sa mga tagalabag sa katarungan na ito sa anuman. Kailangan sa kanila lamang na sumaway sa mga ito sa ginagawa ng mga ito na nakasasama, nang sa gayon ang mga ito ay mangingilag magkasala Allāh kaya susunod ang mga ito sa mga ipinag-uutos Niya at iiwas ang mga ito sa mga sinasaway Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الداعية إلى الله تعالى ليس مسؤولًا عن محاسبة أحد، بل هو مسؤول عن التبليغ والتذكير.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi pananagutin sa pagtutuos sa isang tao, bagkus siya ay pananagutin sa pagpapaabot at pagpapaalaala.

• الوعظ من أعظم وسائل إيقاظ الغافلين والمستكبرين.
Ang pangangaral ay kabilang sa pinakadakila sa mga kaparaanan ng paggising sa mga nalilingat at mga nagmamalaki.

• من دلائل التوحيد: أن من لا يملك نفعًا ولا ضرًّا ولا تصرفًا، هو بالضرورة لا يستحق أن يكون إلهًا معبودًا.
Kabilang sa mga pahiwatig ng Tawḥīd ay na ang sinumang hindi nakapagdudulot ng pakinabang ni pinsala ni malayang pagkilos, siya ay kinakailangang hindi nagiging karapat-dapat na maging isang diyos na sinasamba.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (69) Surah: Al-An‘ām
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara