Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (11) Surah: As-Saff
تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Ang pangangalakal na tumutubong ito ay na sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at makibaka kayo sa landas Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng paggugol ng mga yaman ninyo at pagkakaloob ng mga sarili ninyo sa paghahangad ng kaluguran Niya. Ang gawaing nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam kaya magdali-dali kayo tungo roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تبشير الرسالات السابقة بنبينا صلى الله عليه وسلم دلالة على صدق نبوته.
Ang pagbabalita ng nakagagalak ng mga mensaheng nauna ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang katunayan sa katapatan ng pagkapropeta niya.

• التمكين للدين سُنَّة إلهية.
Ang pagbibigay-kapangyarihan sa Relihiyon ay isang kalakarang pandiyos.

• الإيمان والجهاد في سبيل الله من أسباب دخول الجنة.
Ang pananampalataya at ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• قد يعجل الله جزاء المؤمن في الدنيا، وقد يدخره له في الآخرة لكنه لا يُضَيِّعه - سبحانه -.
Maaaring madaliin ni Allāh ang ganti sa mananampalataya sa Mundo at maaaring ilaan Niya iyon para rito sa Kabilang-buhay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (11) Surah: As-Saff
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara