Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (1) Surah: Al-Munāfiqūn

Al-Munāfiqūn

Ilan sa mga Layon ng Surah:
بيان حقيقة المنافقين والتحذير منهم.
Ang paglilinaw sa reyalidad ng mga mapagpaimbabaw at ang pagbibigay-babala laban sa kanila.

إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ قَالُواْ نَشۡهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُۥ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَكَٰذِبُونَ
Kapag dumalo sa pagtitipon mo, O Sugo, ang mga mapagpaimbabaw na nagpapalitaw ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalang-pananampalataya ay nagsasabi sila: "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh, sa totoo." Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya, sa totoo. Si Allāh ay sumasaksi na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling sa inaangkin nila na sila ay sumasaksi mula sa kaibuturan ng mga puso nila na ikaw ay Sugo Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• وجوب السعي إلى الجمعة بعد النداء وحرمة ما سواه من الدنيا إلا لعذر.
Ang pagkatungkulin ng pagmamadali sa pagdarasal sa araw ng Biyernes matapos ng panawagan at ang pagkabawal ng anumang iba pang gawaing pangmundo maliban [kung] dahil sa isang tanggap na dahilan.

• تخصيص سورة للمنافقين فيه تنبيه على خطورتهم وخفاء أمرهم.
Ang pagtatalaga ng isang kabanata ng Qur'ān para sa mga mapagpaimbabaw ay may isang pagtawag-pansin laban sa panganib nila at pagkakubli ng lagay nila.

• العبرة بصلاح الباطن لا بجمال الظاهر ولا حسن المنطق.
Ang pagsasaalang-alang ay sa kaayusan ng panloob na anyo at hindi sa karikitan ng panlabas na anyo ni sa kagandahan ng pananalita.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (1) Surah: Al-Munāfiqūn
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara