Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (3) Surah: At-Taghābun
خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
Lumikha Siya ng mga langit at lumikha Siya ng lupa ayon sa katotohanan, at hindi Siya lumikha sa mga ito sa isang paglalaru-laro. Nagbigay-anyo Siya sa inyo, O mga tao, saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo bilang kagandahang-loob mula sa Kanya at bilang pagmamabuting-loob. Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ang mga ito na pangit. Tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para gumantimpala Siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti].
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من قضاء الله انقسام الناس إلى أشقياء وسعداء.
Kabilang sa pagtatadhana ni Allāh ang pagkakahati ng mga tao sa mga maligaya at mga malumbay.

• من الوسائل المعينة على العمل الصالح تذكر خسارة الناس يوم القيامة.
Kabilang sa mga kaparaanang nakatutulong sa gawang maayos ang pagsasaalaala sa kalugihan ng mga tao sa Araw ng Pagbangon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (3) Surah: At-Taghābun
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara