Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (165) Surah: Al-A‘rāf
فَلَمَّا نَسُواْ مَا ذُكِّرُواْ بِهِۦٓ أَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ يَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلسُّوٓءِ وَأَخَذۡنَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ بِعَذَابِۭ بَـِٔيسِۭ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Kaya noong umayaw ang mga tagasuway sa ipinaalaala sa kanila ng mga tagapangaral at hindi sila tumigil, sinagip Namin ang mga sumaway sa nakasasama mula sa pagdurusa at dumaklot Kami sa mga lumabag sa katarungan dahil sa paglabag sa [pagbabawal sa] pangingisda sa araw ng Sabado ng isang matinding pagdurusa dahilan sa paglabas nila sa pagtalima sa Amin at pagpupumilit nila sa pagsuway.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• إذا نزل عذاب الله على قوم بسبب ذنوبهم ينجو منه من كانوا يأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر فيهم.
Kapag bumaba ang parusa ni Allāh sa mga tao dahilan sa mga pagkakasala nila, maliligtas mula roon ang mga nag-uutos sa nakabubuti at sumasaway sa nakasasama sa kanila.

• يجب الحذر من عذاب الله؛ فإنه قد يكون رهيبًا في الدنيا، كما فعل سبحانه بطائفة من بني إسرائيل حين مَسَخَهم قردة بسبب تمردهم.
Kinakailangan ang pag-iingat laban sa parusa ni Allāh sapagkat tunay na ito ay maaaring maging kakila-kilabot sa Mundo gaya ng ginawa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang pangkatin kabilang sa mga anak ni Israel nang ginawa Niya silang unggoy dahilan sa paghihimagsik nila.

• نعيم الدنيا مهما بدا أنه عظيم فإنه قليل تافه بجانب نعيم الآخرة الدائم.
Nagtakda si Allāh sa mga anak ni Israel ng pagkahamak at karalitaan at nagpahayag Siya na magpadala sa kanila sa bawat yugto ng magpapalasap sa kanila ng pagdurusa dahilan sa kawalang-katarungan nila at pagkalihis nila.

• أفضل أعمال العبد بعد الإيمان إقامة الصلاة؛ لأنها عمود الأمر.
Ang kaginhawahan sa Mundo gaano man lumitaw na ito ay sukdulan, tunay na ito ay kakaunting babahagya kung ihahambing sa mamamalaging kaginhawahan sa Kabilang-buhay.

• كتب الله على بني إسرائيل الذلة والمسكنة، وتأذن بأن يبعث عليهم كل مدة من يذيقهم العذاب بسبب ظلمهم وانحرافهم.
Ang pinakamainam sa mga gawain ng tao matapos ng pananampalataya ay ang pagpapanatili sa pagdarasal dahil ito ay haligi ng utos.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (165) Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara