Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (183) Surah: Al-A‘rāf
وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ
Magpapaliban Ako sa kanila ng kaparusahan hanggang sa magpalagay sila na sila ay hindi mga parurusahan para magpatuloy sila sa pagpapasinungaling nila at kawalang-pananampalataya nila hanggang sa pag-ibayuhin sa kanila ang pagdurusa. Tunay na ang pakana Ko ay malakas sapagkat nagpapakita Ako sa kanila ng paggawa ng maganda samantalang nagnanais Ako sa kanila ng pagkakanulo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• خلق الله للبشر آلات الإدراك والعلم - القلوب والأعين والآذان - لتحصيل المنافع ودفع المضار.
Lumikha si Allāh para sa sangkatauhan ng mga kasangkapan ng pagtalos at pag-alam: ang mga puso, ang mga mata, at ang mga tainga para sa pagtamo ng mga pakinabang at pagtulak sa mga pinsala.

• الدعاء بأسماء الله الحسنى سبب في إجابة الدعاء، فيُدْعَى في كل مطلوب بما يناسب ذلك المطلوب، مثل: اللهمَّ تب عَلَيَّ يا تواب.
Ang panalangin sa pamamagitan ng mga pangalang pinakamagaganda ni Allāh ay isang kadahilanan sa pagsagot sa panalangin, kaya mananalangin sa bawat hiling ng nababagay sa hiling na iyon, tulad ng: "Allāhumma tub `alayya yā tawwāb (O Allāh, tanggapin mo ang pagbabalik-loob ko, O Palatanggap ng pagbabalik-loob)."

• التفكر في عظمة السماوات والأرض، والتوصل بهذا التفكر إلى أن الله تعالى هو المستحق للألوهية دون غيره؛ لأنه المنفرد بالصنع.
Ang pag-iisip-isip sa kadakilaan ng mga langit at lupa at ang pagkakahantong sa pag-iisip-isip na ito na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang karapat-dapat sa pagkadiyos sa halip ng iba pa sa Kanya dahil Siya ang namumukod-tangi sa paggawa.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (183) Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara