Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (30) Surah: Al-A‘rāf
فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلضَّلَٰلَةُۚ إِنَّهُمُ ٱتَّخَذُواْ ٱلشَّيَٰطِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
Gumawa nga si Allāh sa mga tao bilang dalawang pangkat: isang pangkat kabilang sa inyo na pinatnubayan Niya, na nagpadali Siya para rito ng mga kadahilanan ng kapatnubayan at nagbaling Siya palayo rito ng mga hadlang dito; at iba pang pangkat na kinailangan sa kanila ang pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan. Iyon ay dahil sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay Allāh, kaya naakay sila para sa mga ito sa kamangmangan habang sila ay nag-aakala na sila ay mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من أَشْبَهَ آدم بالاعتراف وسؤال المغفرة والندم والإقلاع - إذا صدرت منه الذنوب - اجتباه ربه وهداه. ومن أَشْبَهَ إبليس - إذا صدر منه الذنب بالإصرار والعناد - فإنه لا يزداد من الله إلا بُعْدًا.
Ang sinumang nakawangis ni Adan sa pag-amin, paghingi ng kapatawaran, pagsisisi, at pagwawaksi [sa kasalanan] kapag namutawi mula sa kanya ang mga pagkakasala, pipiliin siya ng Panginoon niya at papatnubayan. Ang sinumang nakawangis ni Satanas kapag namutawi sa kanya ang pagkakasala sa pamamagitan ng pagpupumilit at pagmamatigas, tunay na siya ay hindi nadaragdagan mula kay Allāh maliban ng pagkalayo.

• اللباس نوعان: ظاهري يستر العورةَ، وباطني وهو التقوى الذي يستمر مع العبد، وهو جمال القلب والروح.
Ang kasuutan ay dalawang uri: panlabas na nagtatakip sa kahubaran at panloob – ang pangingilag sa pagkakasala na nagpapatuloy kasama ng tao – ang kagandahan ng puso at kaluluwa.

• كثير من أعوان الشيطان يدعون إلى نزع اللباس الظاهري؛ لتنكشف العورات، فيهون على الناس فعل المنكرات وارتكاب الفواحش.
Marami sa mga tagatulong ng demonyo ay nag-aanyaya sa pag-aalis ng kasuutang panlabas upang malantad ang mga kahubaran kaya mapadadali sa mga tao ang paggawa ng mga nakasasama at ang paggawa ng mga malaswa.

• أن الهداية بفضل الله ومَنِّه، وأن الضلالة بخذلانه للعبد إذا تولَّى -بجهله وظلمه- الشيطانَ، وتسبَّب لنفسه بالضلال.
Na ang kapatnubayan ay sa pamamagitan ng kabutihang-loob ni Allāh at kagandahang-loob Niya, at na ang kaligawan ay sa pamamagitan ng pagtatwa Niya sa tao kapag tumangkilik ito, dahil sa kamangmangan nito at kawalang-katarungan nito, sa demonyo at nagdahilan para sa sarili niya ng pagkaligaw.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (30) Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara