Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (87) Surah: Al-A‘rāf
وَإِن كَانَ طَآئِفَةٞ مِّنكُمۡ ءَامَنُواْ بِٱلَّذِيٓ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَطَآئِفَةٞ لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ فَٱصۡبِرُواْ حَتَّىٰ يَحۡكُمَ ٱللَّهُ بَيۡنَنَاۚ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Kung may isang lipon kabilang sa inyo na sumampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko at may iba pang lipon na hindi sumampalataya roon, maghintay kayo, o mga tagapagpasinungaling, sa ipapasya ni Allāh sa pagitan ninyo. Siya ay pinakamainam na nagpapasya at pinakamakatarungan na humuhusga.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• اللواط فاحشة تدلُّ على انتكاس الفطرة، وناسب أن يكون عقابهم من جنس عملهم فنكس الله عليهم قُراهم.
Ang sodomiya ay isang malaswang gawaing nagpapahiwatig ng pagkapinsala ng kalikasan ng pagkalalang. Bumagay na ang parusa sa kanila ay maging kauri ng gawain nila.

• تقوم دعوة الأنبياء - ومنهم شعيب عليه السلام - على أصلين: تعظيم أمر الله: ويشمل الإقرار بالتوحيد وتصديق النبوة. والشفقة على خلق الله: ويشمل ترك البَخْس وترك الإفساد وكل أنواع الإيذاء.
Nakasalalay ang pag-aanyaya ng mga propeta, na kabilang sa kanila si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa dalawang batayan: ang pagdakila sa nauukol kay Allāh, na sumasaklaw sa pagkilala sa kaisahan Niya at paniniwala sa pagkapropeta; at ang pagkahabag sa nilikha ni Allāh, na sumasaklaw naman sa pag-iwan sa pandaraya at pag-iwan sa panggugulo at sa lahat ng mga uri ng pananakit.

• الإفساد في الأرض بعد الإصلاح جُرْم اجتماعي في حق الإنسانية؛ لأن صلاح الأرض بالعقيدة والأخلاق فيه خير للجميع، وإفساد الأرض عدوان على الناس.
Ang panggugulo sa lupa matapos ng pagsasaayos ay isang krimeng panlipunan sa karapatan ng sangkatauhan dahil ang kaayusan ng lupa ayon sa pinaniniwalaan at mga kaasalan dito ay higit na mabuti para sa lipunan at ang panggugulo sa lupa ay isang pangangaway sa mga tao.

• من أعظم الذنوب وأكبرها وأشدها وأفحشها أخذُ ما لا يحقُّ أخذه شرعًا من الوظائف المالية بالقهر والجبر؛ فإنه غصب وظلم وعسف على الناس وإذاعة للمنكر وعمل به ودوام عليه وإقرار له.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga pagkakasala, pinakamalaki sa mga ito, pinakamatindi sa mga ito, at pinakamalaswa sa mga ito ay ang pagkuha sa anumang hindi nagigindapat kunin ayon sa Batas ng Islām gaya ng mga gawaing pampananalapi sa pamamagitan ng paniniil at pamimilit sapagkat ito ay pangangamkam, kawalang-katarungan, paniniil sa mga tao, pagkakalat ng nakasasama, paggawa nito, pamamalagi rito, at pagkilala rito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (87) Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara