Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (97) Surah: Al-A‘rāf
أَفَأَمِنَ أَهۡلُ ٱلۡقُرَىٰٓ أَن يَأۡتِيَهُم بَأۡسُنَا بَيَٰتٗا وَهُمۡ نَآئِمُونَ
Kaya natiwasay ba ang mga naninirahan sa mga pamayanang tagapasinungaling na ito na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa gabi habang sila ay mga tulog, na mga nahihimbing sa pamamahinga nila at pananahimik nila?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الإيمان والعمل الصالح سبب لإفاضة الخيرات والبركات من السماء والأرض على الأمة.
Ang pananampalataya at ang gawang maayos ay isang kadahilanan para sa pagpapanagana ng mga mabuting bagay at mga biyaya mula sa langit at lupa sa kalipunan.

• الصلة وثيقة بين سعة الرزق والتقوى، وإنْ أنعم الله على الكافرين فإن هذا استدراج لهم ومكر بهم.
Ang pagkakaugnay ay mahigpit sa pagitan ng lawak ng pagtustos at pangingilag sa pagkakasala. Kung nagpala si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya, tunay na ito ay isang panghahalina para sa kanila at isang panlalansi sa kanila.

• على العبد ألا يأمن من عذاب الله المفاجئ الذي قد يأتي في أية ساعة من ليل أو نهار.
Kailangan sa isang tao na hindi matiwasay sa biglaang parusa ni Allāh, na maaaring dumating sa anumang oras ng gabi o maghapon.

• يقص القرآن أخبار الأمم السابقة من أجل تثبيت المؤمنين وتحذير الكافرين.
Nagsasalaysay ang Qur'ān ng mga panuto mula sa mga naunang kalipunan alang-alang sa pagpapatatag sa mga mananampalataya at pagbibigay-babala sa mga tagatangging sumampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (97) Surah: Al-A‘rāf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara