Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Muzzammil   Ayah:

Al-Muzzammil

Ilan sa mga Layon ng Surah:
بيان الأسباب المعينة على القيام بأعباء الدعوة.
Ang paglilinaw sa mga kadahilanang nakatutulong sa pagsasagawa ng mga pasanin ng pag-aanyaya.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُزَّمِّلُ
O nagbabalot ng kasuutan niya (tinutukoy ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan),
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُمِ ٱلَّيۡلَ إِلَّا قَلِيلٗا
magdasal ka sa gabi, maliban sa kaunting bahagi nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
نِّصۡفَهُۥٓ أَوِ ٱنقُصۡ مِنۡهُ قَلِيلًا
Magdasal sa kalahati nito kung niloob mo, o magdasal ka nang kaunti sa higit na kaunti sa kalahati hanggang sa umabot sa isang katlo,
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا
o magdagdag ka rito hanggang sa umabot sa dalawang katlo. Magpalinaw ka sa Qur’ān kapag bumigkas ka nito at magdahan-dahan ka sa pagbigkas nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا
Tunay na Kami ay magpupukol sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān. Ito ay isang sinasabing mabigat dahil sa nasaad dito na mga tungkulin, mga hangganan, mga patakaran, mga kaasalan, at iba pa sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا
Tunay na ang mga oras [ng pagsamba] sa gabi ay higit na matindi sa pagsang-ayon para sa puso kasabay ng pagbigkas [ng Qur'ān] at higit na tama sa pagsabi.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا
Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang malayang pagganap sa mga gawain mo, kaya nagpapakaabala ka sa mga ito sa halip ng pagbigkas ng Qur'ān kaya magdasal ka sa gabi.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا
Umalala ka kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng pag-alaala, at maglaan ka [ng sarili] sa Kanya sa isang paglalaang may pag-uukol ng kawagasan sa pagsamba sa Kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا
Ang Panginoon ng silangan at ang Panginoon ng kanluran, walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan na sumasandal ka sa kanya sa mga nauukol sa iyo sa kabuuan ng mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا
Magtiis ka sa sinasabi ng mga tagapagpasinungaling gaya ng pangungutya at panlalait, at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang walang pananakit.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا
Huwag kang pumansin sa lagay ng mga tagapagpasinungaling na mga may pagtatamasa sa mga minamasarap sa Mundo, hayaan mo Ako sila, at maghintay ka sa kanila nang kaunti hanggang sa pumunta sa kanila ang taning nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا
Tunay na taglay Namin sa Kabilang-buhay ay mga panggapos na mabigat at isang apoy na nagsisiklab,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا
at isang pagkain na babara sa lalamunan dahil sa tindi ng pait nito at isang pagdurusang nakasasakit, bilang karagdagan sa nauna.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا
Ang pagdurusang iyon ay magaganap sa mga tagapagpasinungaling sa Araw na maaalog ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging mga buhangin na dadaloy, na magkakalatan dahil sa tindi ng hilakbot niyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا
Tunay na Kami ay nagpadala sa inyo ng isang Sugo na tagasaksi sa mga gawa ninyo sa Araw ng Pagbangon tulad ng pagsugo Namin kay Paraon ng isang sugo, si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا
Ngunit sumuway si Paraon sa sugong isinugo sa kanya mula sa Panginoon niya kaya nagparusa sa kanya ng isang kaparusahang matindi sa Mundo sa pamamagitan ng pagkalunod at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa sa Apoy. Kaya huwag kayong sumuway sa Sugo sa inyo sapagkat tatama sa inyo ang tumama sa kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا
Kaya papaano kayong magtatanggol sa mga sarili ninyo at magsasanggalang sa mga ito kung tumanggi kayong sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling kayo sa Sugo Niya, sa isang matinding araw na mahaba, na magpapauban sa ulo ng mga batang munti dahil sa tindi ng hilakbot doon at haba niyon?
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا
Ang langit ay magkakabitak-bitak dahil sa hilakbot nito. Laging ang pangako ni Allāh ay magagawa nang walang pasubali.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا
Tunay na ang pangaral na ito, na naglalaman ng paglilinaw sa nasa Araw ng Pagbangon na hilakbot at katindihan, ay isang pagpapaalaala na makikinabang dito ang mga mananampalataya. Kaya ang sinumang lumuob ng paggawa ng daang magpaparating tungo sa Panginoon niya ay gumawa siya nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• أهمية قيام الليل وتلاوة القرآن وذكر الله والصبر للداعية إلى الله.
Ang kahalagahan ng pagdarasal sa gabi, pagbigkas ng Qur'ān, pag-alaala kay Allāh, at pagtitiis para sa tagapag-anyaya tungo kay Allāh.

• فراغ القلب في الليل له أثر في الحفظ والفهم.
Ang kawalang-abala ng puso sa gabi ay may epekto sa pagsasaulo at pag-intindi.

• تحمّل التكاليف يقتضي تربية صارمة.
Ang pagbata sa mga nakaatang na tungkulin ay humihiling ng isang edukasyong dibdiban.

• الترف والتوسع في التنعم يصدّ عن سبيل الله.
Ang kariwasaan at ang pagpapakalawak sa pagpapakaginhawa ay bumabalakid sa landas ni Allāh.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Muzzammil
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara