Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (98) Surah: At-Tawbah
وَمِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مَن يَتَّخِذُ مَا يُنفِقُ مَغۡرَمٗا وَيَتَرَبَّصُ بِكُمُ ٱلدَّوَآئِرَۚ عَلَيۡهِمۡ دَآئِرَةُ ٱلسَّوۡءِۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na naninirahan sa ilang na naniniwala na ang ginugugol niya na yaman ayon sa landas ni Allāh ay pagkalugi at multa dahil sa paghahaka-haka niya na siya ay hindi gagantimpalaan kung gumugol siya at hindi parurusahan ni Allāh kung nagkait siya. Subalit siya, sa kabila nito, ay gumugugol magkaminsan bilang pakitang-tao at bilang pagkukunwari. Naghihintay siya na may bumaba sa inyo, O mga mananampalataya, na isang kasamaan para makapagwaksi siya sa inyo. Ang minimithi nila na maganap sa mga mananampalataya na kasamaan at pagbabago-bago ng kalagayan sa pamamagitan ng hindi mapupuri ang kahihinatnan nito ay ginawa ni Allāh na nagaganap sa kanila mismo hindi sa mga mananampalataya. Si Allāh ay Madinigin sa anumang sinasabi nila, Maalam sa anumang kinikimkim nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• ميدان العمل والتكاليف خير شاهد على إظهار كذب المنافقين من صدقهم.
Ang larangan ng gawain at mga iniatang na tungkulin ay pinakamabuting tagasaksi sa pagpapalitaw sa kasinungalingan ng mga mapagpaimbabaw mula sa katapatan nila.

• أهل البادية إن كفروا فهم أشد كفرًا ونفاقًا من أهل الحضر؛ لتأثير البيئة.
Ang mga naninirahan sa ilang, kung tumangging sumampalataya, ay higit na matindi sa kawalang-pananampalataya at sa pagpapaimbabaw kaysa sa mga naninirahan sa pamayanan dahil sa epekto ng kapaligiran.

• الحض على النفقة في سبيل الله مع إخلاص النية، وعظم أجر من فعل ذلك.
Ang paghihikayat sa paggugol ayon sa landas ni Allāh kasabay ng pagpapakawagas ng layunin at ang bigat ng pabuya ng sinumang gumawa niyon.

• فضيلة العلم، وأن فاقده أقرب إلى الخطأ.
Ang kalamangan ng kaalaman at na ang nawawalan nito ay higit na malapit sa mali.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (98) Surah: At-Tawbah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara