Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Layl   Ayah:

Al-Layl

Ilan sa mga Layon ng Surah:
بيان أحوال الخلق في الإيمان والإنفاق وحال كل فريق.
Ang paglilinaw sa mga kalagayan ng nilikha sa pananampalataya at paggugol at ang kalagayan ng bawat pangkat.

وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰ
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag nagtatakip ito sa nasa pagitan ng langit at lupa ng kadiliman nito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ
Sumumpa Siya sa maghapon kapag nagpakalantad ito at lumitaw ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ
Sumumpa Siya sa pagkalikha Niya sa dalawang kasarian: ang lalaki at ang babae.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ سَعۡيَكُمۡ لَشَتَّىٰ
Tunay na ang gawain ninyo, O mga tao, ay talagang nagkakaiba-iba sapagkat kabilang dito ang mga magandang gawa, na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Hardin, at ang mga masagwang gawa na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Apoy.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَمَّا مَنۡ أَعۡطَىٰ وَٱتَّقَىٰ
Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay ng inoobliga sa kanya na ipagkaloob niya na zakāh, panggugol, at panakip-sala, at nangilag sa sinaway ni Allāh sa kanya,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَصَدَّقَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
at nagpatotoo sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit;
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡيُسۡرَىٰ
magpapagaan Kami sa kanya ng gawang maayos at paggugol sa landas ni Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسۡتَغۡنَىٰ
Tungkol naman sa sinumang nagmaramot ng yaman niya kaya hindi nagkaloob nito sa anumang kinakailangan sa kanya ang pagkakaloob nito at nag-akalang makapagsasarili sa pamamagitan ng yaman niya palayo kay Allāh kaya hindi humihingi kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ng anuman,
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكَذَّبَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
at nagpasinungaling sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit at gantimpala sa paggugol niya ng yaman niya sa landas ni Allāh;
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• أهمية تزكية النفس وتطهيرها.
Ang kahalagahan ng paglilinis ng kaluluwa at pagdadalisay nito.

• المتعاونون على المعصية شركاء في الإثم.
Ang mga nagtutulungan sa pagsuway ay magkakatambal sa kasalanan.

• الذنوب سبب للعقوبات الدنيوية.
Ang mga pagkakasala ay kadahilanan para sa mga kaparusahang pangmundo.

• كلٌّ ميسر لما خلق له فمنهم مطيع ومنهم عاصٍ.
Ang bawat isa ay pinadali para sa nilikha para sa kanya kaya kabilang sa kanila ay tagatalima at kabilang din sa kanila ay tagasuway.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Layl
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara