Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm

Al-Qadr

Ilan sa mga Layon ng Surah:
بيان فضل ليلة القدر.
Ang paglilinaw sa kainaman ng Gabi ng Pagtatakda. info

external-link copy
1 : 97

إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةِ ٱلۡقَدۡرِ

Tunay na Kami ay nagpababa ng Qur'ān nang isang buo tungo sa langit na pinakamalapit gaya ng pagpapasimula Namin sa pagpapababa nito sa Propeta – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa Gabi ng Pagtatakda ng buwan ng Ramaḍān. info
التفاسير:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• فضل ليلة القدر على سائر ليالي العام.
Ang kainaman ng Gabi ng Pagtatakda higit sa mga ibang gabi ng taon. info

• الإخلاص في العبادة من شروط قَبولها.
Ang pagpapakawagas sa pagsamba ay kabilang sa mga kundisyon ng pagtanggap nito. info

• اتفاق الشرائع في الأصول مَدعاة لقبول الرسالة.
Ang pagkakaisa ng mga batas sa mga prinsipyo ay nag-aanyaya sa pagtanggap sa mensahe. info