Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Bayyinah   Ayah:

Al-Bayyinah

Ilan sa mga Layon ng Surah:
بيان كمال الرسالة المحمدية ووضوحها.
Ang paglilinaw sa kalubusan ng mensahe ni Propeta Muḥammad at ang kaliwanagan nito.

لَمۡ يَكُنِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ مُنفَكِّينَ حَتَّىٰ تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ
Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano at mga tagapagtambal ay hindi naging mga humihiwalay sa pagkakasundo nila at pagkakaisa nila sa kawalang-pananampalataya hanggang sa may pumunta sa kanila na patotoong maliwanag at katwirang hayag:
Ang mga Tafsir na Arabe:
رَسُولٞ مِّنَ ٱللَّهِ يَتۡلُواْ صُحُفٗا مُّطَهَّرَةٗ
Ang patotoong maliwanag at ang katwirang hayag na ito ay isang Sugo mula sa ganang kay Allāh, na ipinadala Niya na bumibigkas ng mga pahinang dinalisay, na walang sumasaling sa mga ito kundi ang mga [anghel na] dinalisay.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فِيهَا كُتُبٞ قَيِّمَةٞ
Sa mga pahinang iyon ay mga ulat ng katapatan at mga hatol ng katarungan, na gumagabay sa mga tao tungo sa naroon ang kaayusan nila at ang kagabayan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا تَفَرَّقَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ
Hindi nagkaiba-iba ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kundi nang matapos na nagpadala si Allāh ng Propeta Niya sa kanila sapagkat mayroon sa kanila na nagpasakop at mayroon sa kanila na nagpatuloy sa kawalang-pananampalataya nila sa kabila ng pagkakaalam nila sa katapatan ng Propeta Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَآ أُمِرُوٓاْ إِلَّا لِيَعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ حُنَفَآءَ وَيُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُواْ ٱلزَّكَوٰةَۚ وَذَٰلِكَ دِينُ ٱلۡقَيِّمَةِ
Nalalantad ang krimen at ang pagmamatigas ng mga Hudyo at mga Kristiyano dahil sila ay hindi napag-utusan sa Qur'ān na ito maliban sa ipinag-utos sa kanila sa mga Kasulatan nila na pagsamba kay Allāh lamang, pag-iwas sa pagtatambal, pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh. Ang ipinag-utos sa kanila ay ang relihiyong tuwid na walang kabaluktutan doon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• فضل ليلة القدر على سائر ليالي العام.
Ang kainaman ng Gabi ng Pagtatakda higit sa mga ibang gabi ng taon.

• الإخلاص في العبادة من شروط قَبولها.
Ang pagpapakawagas sa pagsamba ay kabilang sa mga kundisyon ng pagtanggap nito.

• اتفاق الشرائع في الأصول مَدعاة لقبول الرسالة.
Ang pagkakaisa ng mga batas sa mga prinsipyo ay nag-aanyaya sa pagtanggap sa mensahe.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Bayyinah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara