Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Sād   Ayah:
وَقَالُواْ مَا لَنَا لَا نَرَىٰ رِجَالٗا كُنَّا نَعُدُّهُم مِّنَ ٱلۡأَشۡرَارِ
Magsasabi sila: “Ano ang mayroon sa atin na hindi tayo nakakikita ng mga lalaking dati nating ibinibilang sila kabilang sa mga masama?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَتَّخَذۡنَٰهُمۡ سِخۡرِيًّا أَمۡ زَاغَتۡ عَنۡهُمُ ٱلۡأَبۡصَٰرُ
Gumawa ba tayo sa kanila ng isang panunuya o lumiko na palayo sa kanila ang mga paningin?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ذَٰلِكَ لَحَقّٞ تَخَاصُمُ أَهۡلِ ٱلنَّارِ
Tunay na iyon ay talagang isang katotohanan: ang pag-aalitan ng mga mamamayan ng Apoy.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ مُنذِرٞۖ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّا ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ
Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Ako ay isang tagapagbabala lamang. Walang anumang Diyos kundi si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig [sa lahat],
Ang mga Tafsir na Arabe:
رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفَّٰرُ
ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ هُوَ نَبَؤٌاْ عَظِيمٌ
Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “[Ang Qur’ān na] ito ay isang balitang dakila,
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَنتُمۡ عَنۡهُ مُعۡرِضُونَ
na kayo rito ay mga umaayaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَا كَانَ لِيَ مِنۡ عِلۡمِۭ بِٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰٓ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ
Hindi nagkaroon para sa akin ng anumang kaalaman hinggil sa konsehong pinakamataas [ng mga anghel] noong nag-aalitan sila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِن يُوحَىٰٓ إِلَيَّ إِلَّآ أَنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Walang ikinakasi sa akin kundi ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.[6]
[6] hinggil sa parusa para sa sinumang nagtatambal kay Allāh ng anuman at gumagawa ng masama
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرٗا مِّن طِينٖ
[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa putik.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ
Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu [na nilikha] Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَجَدَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ
Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang magkakasama,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّآ إِبۡلِيسَ ٱسۡتَكۡبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
maliban si Satanas; nagmalaki siya at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.[7]
[7] dahil sa pagsalungat sa utos ni Allāh at pagmamalik sa paglayo sa pagtalima.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ يَٰٓإِبۡلِيسُ مَا مَنَعَكَ أَن تَسۡجُدَ لِمَا خَلَقۡتُ بِيَدَيَّۖ أَسۡتَكۡبَرۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡعَالِينَ
Nagsabi Siya: “O Satanas, ano ang pumigil sa iyo na magpatirapa ka sa nilikha Ko sa pamamagitan ng dalawang kamay Ko? Nagmalaki ka ba [sa pag-ayaw magpatirapa] o naging kabilang ka sa mga nagpakamataas?”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡهُ خَلَقۡتَنِي مِن نَّارٖ وَخَلَقۡتَهُۥ مِن طِينٖ
Nagsabi [si Satanas]: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya; lumikha Ka sa akin mula sa isang apoy at lumikha Ka sa kanya mula sa isang putik.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Nagsabi Siya: “Kaya lumabas ka mula rito sapagkat tunay na ikaw ay kasumpa-sumpa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّ عَلَيۡكَ لَعۡنَتِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Tunay na sumaiyo ang sumpa Ko hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Nagsabi [si Satanas]: “Panginoon ko, kaya magpaantala Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Nagsabi Siya: “Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga inaantala
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
hanggang sa araw ng panahong nalalaman [Ko lamang].”
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فَبِعِزَّتِكَ لَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi [si Satanas]: “Kaya sumpa man sa kapangyarihan Mo, talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Sād
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara