Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Ghāfir   Ayah:
إِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞ لَّا رَيۡبَ فِيهَا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Tunay na ang Huling Sandali[10] ay talagang darating na walang pag-aalinlangan dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
[10] ang Araw ng Pagbuhay at Pagtutuuos
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ رَبُّكُمُ ٱدۡعُونِيٓ أَسۡتَجِبۡ لَكُمۡۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِي سَيَدۡخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ
Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa palayo [pagbukod-tangi sa Akin sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ
Si Allāh ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at ng maghapon bilang nagpapakita. Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo na Tagalikha ng bawat bagay. Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
كَذَٰلِكَ يُؤۡفَكُ ٱلَّذِينَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Gayon nalilinlang ang mga sila dati ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡۖ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang pamamalagian at ng langit bilang bubungan, nagbigay-anyo sa inyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo ng mga kaaya-ayang bagay. Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
هُوَ ٱلۡحَيُّ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۗ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Siya ay ang Buhay; walang Diyos kundi Siya kaya dumalangin kayo sa Kanya habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ قُلۡ إِنِّي نُهِيتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَمَّا جَآءَنِيَ ٱلۡبَيِّنَٰتُ مِن رَّبِّي وَأُمِرۡتُ أَنۡ أُسۡلِمَ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sabihin mo: “Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh, noong dumating sa akin ang mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ko, at inutusan na magpasakop sa Panginoon ng mga nilalang.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Ghāfir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara