Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Fussilat   Ayah:
وَقَالُواْ لِجُلُودِهِمۡ لِمَ شَهِدتُّمۡ عَلَيۡنَاۖ قَالُوٓاْ أَنطَقَنَا ٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَنطَقَ كُلَّ شَيۡءٖۚ وَهُوَ خَلَقَكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Magsasabi sila sa mga balat nila: “Bakit kayo sumaksi laban sa amin?” Magsasabi ang mga ito: “Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا كُنتُمۡ تَسۡتَتِرُونَ أَن يَشۡهَدَ عَلَيۡكُمۡ سَمۡعُكُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُكُمۡ وَلَا جُلُودُكُمۡ وَلَٰكِن ظَنَنتُمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَا يَعۡلَمُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَعۡمَلُونَ
Hindi kayo dati nagtatakip [ng mga sarili] na baka sumaksi laban sa inyo ang pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, at ni ang mga balat ninyo; subalit nagpalagay kayo na si Allāh ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo [na mga pagsuway].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَذَٰلِكُمۡ ظَنُّكُمُ ٱلَّذِي ظَنَنتُم بِرَبِّكُمۡ أَرۡدَىٰكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Yaong pagpapalagay ninyo na ipinagpalagay ninyo sa Panginoon ninyo ay nagpasawi sa inyo kaya kayo [sa Araw na ito] ay naging kabilang sa mga lugi.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِن يَصۡبِرُواْ فَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡۖ وَإِن يَسۡتَعۡتِبُواْ فَمَا هُم مِّنَ ٱلۡمُعۡتَبِينَ
Kaya kung makatitiis sila, ang Apoy ay isang tuluyan para sa kanila. Kung hihiling silang magpasiya [kay Allāh] ay hindi sila kabilang sa mga magpapasiya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ وَقَيَّضۡنَا لَهُمۡ قُرَنَآءَ فَزَيَّنُواْ لَهُم مَّا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَحَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ
Nagtalaga Kami para sa kanila ng mga kapisan[5] kaya nang -aakit ang mga ito sa kanila ng nasa harapan nila at nasa likuran nila [na masagwang gawa]. Nagindapat sa kanila ang pag-atas [ng pagdurusa] sa mga kalipunang nagdaan na bago pa nila kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay mga lugi noon.
[5] na mga demonyong kabilang sa mga tao at mga jinn sa Mudno
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَسۡمَعُواْ لِهَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ وَٱلۡغَوۡاْ فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَغۡلِبُونَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Huwag kayong makinig sa Qur’ān na ito at sumatsat kayo [sa pagbigkas] nito, nang sa gayon kayo ay mananaig.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَنُذِيقَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَذَابٗا شَدِيدٗا وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Kaya talagang magpapalasap nga Kami sa mga tumangging sumampalataya ng isang pagdurusang matindi at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ذَٰلِكَ جَزَآءُ أَعۡدَآءِ ٱللَّهِ ٱلنَّارُۖ لَهُمۡ فِيهَا دَارُ ٱلۡخُلۡدِ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
Iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ang tahanan ng kawalang-hanggan bilang ganti dahil sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ رَبَّنَآ أَرِنَا ٱلَّذَيۡنِ أَضَلَّانَا مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ نَجۡعَلۡهُمَا تَحۡتَ أَقۡدَامِنَا لِيَكُونَا مِنَ ٱلۡأَسۡفَلِينَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagligaw sa amin kabilang sa jinn at tao, maglalagay kami sa kanilang dalawa sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Fussilat
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara