Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Hadīd   Ayah:
هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يَعۡلَمُ مَا يَلِجُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا يَخۡرُجُ مِنۡهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا يَعۡرُجُ فِيهَاۖ وَهُوَ مَعَكُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa trono. Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, anumang bumababa mula sa langit, at anumang pumapanik doon. [Sa pamamagitan ng kaalaman Niya] Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin [para pagpasyahan].
Ang mga Tafsir na Arabe:
يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِۚ وَهُوَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Siya ay Maalam sa laman ng mga dibdib.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَأَنفِقُواْ مِمَّا جَعَلَكُم مُّسۡتَخۡلَفِينَ فِيهِۖ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَأَنفَقُواْ لَهُمۡ أَجۡرٞ كَبِيرٞ
Sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at gumugol kayo [sa kawanggawa] mula anumang sa ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan doon. Kaya ang mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumugol [sa kawanggawa], ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki [na Paraiso].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا لَكُمۡ لَا تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلرَّسُولُ يَدۡعُوكُمۡ لِتُؤۡمِنُواْ بِرَبِّكُمۡ وَقَدۡ أَخَذَ مِيثَٰقَكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo sumasampalataya kay Allāh samantalang ang Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay nag-aanyaya sa inyo upang sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo samantalang tumanggap nga Siya ng kasunduan sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya?
Ang mga Tafsir na Arabe:
هُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦٓ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ بِكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niya [na si Propeta Muḥammad] ng mga tandang malilinaw upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا لَكُمۡ أَلَّا تُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلِلَّهِ مِيرَٰثُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَا يَسۡتَوِي مِنكُم مَّنۡ أَنفَقَ مِن قَبۡلِ ٱلۡفَتۡحِ وَقَٰتَلَۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَعۡظَمُ دَرَجَةٗ مِّنَ ٱلَّذِينَ أَنفَقُواْ مِنۢ بَعۡدُ وَقَٰتَلُواْۚ وَكُلّٗا وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo gumugugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana ng mga langit at lupa. Hindi napapantayan kabilang sa inyo ang sinumang gumugol [alang-alang kay Allāh] bago pa ng pagsakop [sa Makkah] at nakipaglaban. Ang mga iyon ay higit na dakila sa antas kaysa sa mga gumugol matapos na niyan at nakipaglaban [sa landas ni Allāh]. Sa bawat [isa] ay nangako si Allāh ng pinakamaganda. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَّن ذَا ٱلَّذِي يُقۡرِضُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥ وَلَهُۥٓ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Sino itong magpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang[2] para magpaibayo Siya rito para sa kanya? Ukol sa kanya ay isang pabuyang marangal [na Paraiso].
[2] Ibig sabihin: kusang-loob na paggugol sa kawanggawa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Hadīd
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara