Check out the new design

Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Sure: Sûretu'n-Nâziât   Ayet:

An-Nāzi‘āt

Surenin hedefleri:
التذكير بالله واليوم الآخر.
Ang pagpapaalaala hinggil kay Allāh at sa Huling Araw.

وَٱلنَّٰزِعَٰتِ غَرۡقٗا
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na humahatak sa mga kaluluwa ng mga tagatangging sumampalataya sa isang katindihan at isang karahasan.
Arapça tefsirler:
وَٱلنَّٰشِطَٰتِ نَشۡطٗا
Sumumpa Siya sa mga anghel na humuhugot sa mga kaluluwa ng mga mananampalataya sa isang kadalian at isang kaginhawahan.
Arapça tefsirler:
وَٱلسَّٰبِحَٰتِ سَبۡحٗا
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na lumalangoy mula sa langit patungong lupa ayon sa utos Niya.
Arapça tefsirler:
فَٱلسَّٰبِقَٰتِ سَبۡقٗا
Sumumpa Siya sa mga anghel na umuuna sa iba sa kanila sa pagganap sa utos ni Allāh.
Arapça tefsirler:
فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرٗا
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na nagpapatupad sa ipinag-utos Niya na pagpapasya Niya, tulad ng mga anghel na itinalaga sa mga gawain ng mga tao. Sumumpa Siya roon sa kabuuan niyon na talagang bubuhay nga Siya sa kanila para sa pagtutuos at pagganti,
Arapça tefsirler:
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ
sa araw na maaalog ang lupa sa sandali ng unang pag-ihip.
Arapça tefsirler:
تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ
habang sumusunod ang pag-ihip na ito sa ikalawang pag-ihip.
Arapça tefsirler:
قُلُوبٞ يَوۡمَئِذٖ وَاجِفَةٌ
Ang mga puso ng mga tagatangging sumampalataya at mga suwail sa araw na iyon ay kinakabahan.
Arapça tefsirler:
أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٞ
Lumilitaw sa mga paningin ng mga ito ang bakas ng pagkaaba.
Arapça tefsirler:
يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ
Sila dati ay nagsasabi: "Babalik kaya kami sa buhay matapos na namatay kami?
Arapça tefsirler:
أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا نَّخِرَةٗ
Kapag ba kami ay naging mga butong nabulok na hungkag, babalik pa kami matapos niyon?"
Arapça tefsirler:
قَالُواْ تِلۡكَ إِذٗا كَرَّةٌ خَاسِرَةٞ
Magsasabi sila: "Kapag bumalik tayo, ang pagbabalik na iyon ay magiging lugi, na nadaya ang bumabalik."
Arapça tefsirler:
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ
Ang kalagayan ng pagbubuhay ay madali, sapagkat ito ay nag-iisang sigaw lamang mula sa anghel na itinalaga sa pag-ihip,
Arapça tefsirler:
فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ
saka biglang ang lahat ay mga buhay sa ibabaw ng lupa matapos na sila dati ay mga patay sa ilalim nito.
Arapça tefsirler:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ
Dumating kaya sa iyo, O Sugo, ang ulat hinggil kay Moises kaugnay sa Panginoon niya at kaugnay sa kaaway niyang si Paraon?
Arapça tefsirler:
إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى
Nang nanawagan sa kanya ang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa dinalisay na lambak ng Ṭuwā:
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• التقوى سبب دخول الجنة.
Ang pangingilag magkasala ay isang kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso.

• تذكر أهوال القيامة دافع للعمل الصالح.
Ang pagsasaalaala sa mga hilakbot ng Pagbangon [ng mga patay] ay nagtutulak sa gawaing maayos.

• قبض روح الكافر بشدّة وعنف، وقبض روح المؤمن برفق ولين.
Ang pagkuha sa kaluluwa ng tagatangging sumampalataya ay may katindihan at karahasan at ang pagkuha sa kaluluwa ng mananampalataya ay may kabaitan at kabanayaran.

 
Anlam tercümesi Sure: Sûretu'n-Nâziât
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an Araştırmaları Tefsir Merkezi Tarafından Yayınlanmıştır.

Kapat