Check out the new design

قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى


مەنالار تەرجىمىسى ئايەت: (49) سۈرە: ھۇد
تِلۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهَآ إِلَيۡكَۖ مَا كُنتَ تَعۡلَمُهَآ أَنتَ وَلَا قَوۡمُكَ مِن قَبۡلِ هَٰذَاۖ فَٱصۡبِرۡۖ إِنَّ ٱلۡعَٰقِبَةَ لِلۡمُتَّقِينَ
Itong kasaysayan ni Noe ay kabilang sa mga ulat ng Lingid. Hindi ka dati, O Sugo, nakaaalam nito. Ang mga tao mo noon ay hindi nakaaalam ng mga ito bago pa ng pagkakasi na ito na ikinasi ni Allāh sa iyo. Kaya magtiis ka sa pananakit ng mga tao mo at pagpapasinungaling nila kung paanong nagtiis si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tunay na ang pagwawagi at ang pananaig ay ukol sa mga sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• لا يملك الأنبياء الشفاعة لمن كفر بالله حتى لو كانوا أبناءهم.
Hindi nakapagdudulot ang mga propeta ng pamamagitan sa sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh kahit pa man sila ay mga anak nila.

• عفة الداعية وتنزهه عما في أيدي الناس أقرب للقبول منه.
Ang kabinihan ng tagapag-anyaya tungo kay Allāh at ang pagwawalang-kaugnayan niya sa taglay ng mga kamay ng mga tao ay higit na malapit para sa pagtanggap mula sa kanya.

• فضل الاستغفار والتوبة، وأنهما سبب إنزال المطر وزيادة الذرية والأموال.
Ang kainaman ng paghingi ng tawad at ng pagbabalik-loob, at na ang dalawang ito ay kadahilanan ng pagpapababa ng ulan at pagkadagdag ng mga supling at mga yaman.

 
مەنالار تەرجىمىسى ئايەت: (49) سۈرە: ھۇد
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

قۇرئان تەتقىقاتى تەپسىر مەركىزى چىقارغان.

تاقاش