قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى


مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: سۈرە مۈلك   ئايەت:

Al-Mulk

سۈرىنىڭ مەقسەتلىرىدىن:
إظهار كمال ملك الله وقدرته؛ بعثًا على خشيته، وتحذيرًا من عقابه.
Ang paglalantad ng pagkabuo ng paghahari ni Allāh at kakayahan Niya bilang pagpukaw sa pagkatakot sa Kanya at bilang pagbibigay-babala laban sa parusa Niya.

تَبَٰرَكَ ٱلَّذِي بِيَدِهِ ٱلۡمُلۡكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Tumindi at dumami ang kabutihan ni Allāh na nasa kamay Niya lamang ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡمَوۡتَ وَٱلۡحَيَوٰةَ لِيَبۡلُوَكُمۡ أَيُّكُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفُورُ
na lumikha ng kamatayan at lumikha ng buhay upang sumulit Siya sa inyo, O mga tao, kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya,
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗاۖ مَّا تَرَىٰ فِي خَلۡقِ ٱلرَّحۡمَٰنِ مِن تَفَٰوُتٖۖ فَٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ هَلۡ تَرَىٰ مِن فُطُورٖ
na lumikha ng pitong langit, na bawat langit ay nakataklob sa ibabaw ng nauna rito nang walang pagsasalingan sa pagitan ng dalawang langit. Hindi ka nakasasaksi, o tagatingin, sa anumang nilikha ni Allāh ng alinmang pagtataliwasan o kawalan ng pagkakaangkupan. Kaya magpabalik ka ng paningin, nakakikita ka ba ng pagkakabitak-bitak o pagkakalamat-lamat? Hindi ka makakikita niyon! Makakikita ka lamang ng isang nilikhang tinumpak at hinusayan [ang pagkakalikha].
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
ثُمَّ ٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ كَرَّتَيۡنِ يَنقَلِبۡ إِلَيۡكَ ٱلۡبَصَرُ خَاسِئٗا وَهُوَ حَسِيرٞ
Pagkatapos magpabalik ka ng paningin isang ulit matapos ng isang ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na kaaba-aba nang hindi nakikita ng isang kapintasan o isang kasiraan sa pagkakalikha ng langit samantalang ito ay pata, na naputol sa pagtingin.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَلَقَدۡ زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَجَعَلۡنَٰهَا رُجُومٗا لِّلشَّيَٰطِينِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابَ ٱلسَّعِيرِ
Talaga ngang gumayak Kami sa pinakamalapit na langit sa lupa ng mga bituing tagatanglaw at gumawa Kami sa mga bituing iyon bilang mga bulalakaw na ipinambabato sa mga demonyo na nagnanakaw ng pakikinig [sa langit] kaya sumusunog ang mga ito sa kanila. Naglaan Kami para sa kanila sa Kabilang-buhay ng apoy na nagliliyab.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَلِلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Ukol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon ang pagdurusa sa Apoy na nagniningas. Kay sagwa ang babalikan na babalikan nila!
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِذَآ أُلۡقُواْ فِيهَا سَمِعُواْ لَهَا شَهِيقٗا وَهِيَ تَفُورُ
Kapag ihinagis sila sa Apoy ay makaririnig sila ng isang pangit na matinding tunog habang iyon ay kumukulo tulad ng pagkulo ng kawa.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ ٱلۡغَيۡظِۖ كُلَّمَآ أُلۡقِيَ فِيهَا فَوۡجٞ سَأَلَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَذِيرٞ
Halos nakakalas ang ibang bahagi niyon sa iba pa at nagkakapira-piraso sa tindi ng galit niyon sa sinumang pumapasok doon. Tuwing nakapagbato roon ng isang pangkat ng mga maninirahan doon na mga tagatangging sumampalataya ay magtatanong sa kanila ang mga anghel na itinalaga roon ng isang tanong ng panunumbat: "Wala bang pumunta sa inyo sa Mundo na isang sugo na nagpapangamba sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh?"
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قَالُواْ بَلَىٰ قَدۡ جَآءَنَا نَذِيرٞ فَكَذَّبۡنَا وَقُلۡنَا مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ كَبِيرٖ
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Oo, may dumating sa amin na isang sugo na nagpapangamba sa amin sa pagdurusang dulot ni Allāh ngunit nagpasinungaling kami sa kanya at nagsabi kami sa kanya: Hindi nagbaba si Allāh ng anumang kasi; walang iba kayo, O mga sugo, kundi nasa isang pagkaligaw na sukdulan palayo sa katotohanan."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَقَالُواْ لَوۡ كُنَّا نَسۡمَعُ أَوۡ نَعۡقِلُ مَا كُنَّا فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Kung sakaling kami noon ay dumidinig ayon sa pagdinig na napakikinabangan o nakapag-uunawa ayon sa pagkaunawa ng nakatatalos ng katotohanan sa kabulaanan, hindi sana kami naging nasa kabuuan ng mga maninirahan sa Apoy, bagkus kami sana noon ay sumasampalataya sa mga sugo at nagpapatotoo sa inihatid nila at kami sana ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Hardin."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فَٱعۡتَرَفُواْ بِذَنۢبِهِمۡ فَسُحۡقٗا لِّأَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Kaya kikilala sila laban sa mga sarili nila ng kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling saka naging karapat-dapat sila sa Apoy, kaya kalayuan ay ukol sa mga maninirahan sa Apoy!
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٞ
Tunay na ang mga nangangamba kay Allāh sa mga pag-iisa nila, ukol sa kanila ay isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila at ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan, ang Paraiso.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• في معرفة الحكمة من خلق الموت والحياة وجوب المبادرة للعمل الصالح قبل الموت.
Nasa pagkakilala sa kasanhian ng paglikha ng kamatayan at buhay ang pagkatungkulin ng pagdadali-dali sa gawang maayos bago ng kamatayan.

• حَنَقُ جهنم على الكفار وغيظها غيرةً لله سبحانه.
Ang pagkapoot ng Impiyerno sa mga tagatangging sumampalataya at ang ngitngit nito bilang paninibugho para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.

• سبق الجن الإنس في ارتياد الفضاء وكل من تعدى حده منهم، فإنه سيناله الرصد بعقاب.
Ang pagkauna ng jinn sa tao sa pagdayo sa kalawakan at ang bawat [jinn] na lumampas sa hangganan nito kabilang sa kanila, tunay na ito ay daranas ng pananambang sa pamamagitan ng isang parusa.

• طاعة الله وخشيته في الخلوات من أسباب المغفرة ودخول الجنة.
Ang pagtalima kay Allāh at ang pagkatakot sa Kanya sa mga pag-iisa ay kabilang sa mga kadahilanan ng kapatawaran at pagpapasok sa Paraiso.

وَأَسِرُّواْ قَوۡلَكُمۡ أَوِ ٱجۡهَرُواْ بِهِۦٓۖ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Magkubli kayo, O mga tao, ng pananalita ninyo o magpahayag nito, si Allāh ay nakaaalam nito. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَلَا يَعۡلَمُ مَنۡ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلۡخَبِيرُ
Hindi ba nakaaalam ang lumikha sa mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sa lihim at anumang higit na nakakubli kaysa sa lihim? Siya ay ang Mapagtalos sa mga lingkod Niya, ang Mapagbatid sa mga nauukol sa kanila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ ذَلُولٗا فَٱمۡشُواْ فِي مَنَاكِبِهَا وَكُلُواْ مِن رِّزۡقِهِۦۖ وَإِلَيۡهِ ٱلنُّشُورُ
Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] madaling banayad para sa paninirahan, kaya humayo kayo sa mga dako nito at mga baybay nito at kumain kayo mula sa panustos Niya na inihanda Niya para sa inyo rito. Tungo sa Kanya lamang ang pagbubuhay sa inyo para sa pagtutuos at pagganti.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
ءَأَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يَخۡسِفَ بِكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا هِيَ تَمُورُ
Natiwasay ba kayo kay Allāh na nasa langit na bumiyak Siya ng lupa mula sa ilalim ninyo kung paanong bumiyak Siya nito mula sa ilalim ni Qārūn matapos na ang lupa ay naging isang patag na pinaamo para sa paninirahan sa ibabaw nito saka biglang ito ay mag-uuga sa inyo matapos ng katatagan nito?
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَمۡ أَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ حَاصِبٗاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ كَيۡفَ نَذِيرِ
O natiwasay kayo kay Allāh na nasa langit na magpadala Siya sa inyo ng mga bato mula sa langit tulad ng ipinadala Niya sa mga kababayan ni Lot? Kaya makaaalam kayo, kapag nakakikita kayo sa parusa Ko, sa pagbabala Ko sa inyo, subalit kayo ay hindi makikinabang nito matapos ng pagkakita sa pagdurusa.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَلَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna sa mga tagapagtambal na ito kaya bumaba sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh noong nagpumilit sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila, kaya papaano naging ang pagtutol Ko sa kanila? Talaga ngang iyon ay naging isang pagtutol na matindi.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ فَوۡقَهُمۡ صَٰٓفَّٰتٖ وَيَقۡبِضۡنَۚ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱلرَّحۡمَٰنُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءِۭ بَصِيرٌ
Hindi ba nakasaksi ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga ibon sa ibabaw nila sa sandali ng paglipad ng mga iyon, na naglaladlad ng mga pakpak sa himpapawid minsan at nagkikipkip ng mga ito minsan pa? Walang pumipigil sa mga iyon na bumagsak sa lupa kundi si Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ جُندٞ لَّكُمۡ يَنصُرُكُم مِّن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِۚ إِنِ ٱلۡكَٰفِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ
Walang isang hukbo para sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung nagnais Siya na pagdusahin kayo. Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi mga nadadaya; nandaya sa kanila ang demonyo kaya nalinlang sila dahil sa kanya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي يَرۡزُقُكُمۡ إِنۡ أَمۡسَكَ رِزۡقَهُۥۚ بَل لَّجُّواْ فِي عُتُوّٖ وَنُفُورٍ
Walang isang magtutustos sa inyo kung humadlang si Allāh sa panustos Niya na makarating sa inyo? Bagkus ang nangyari ay na ang mga tagatangging sumampalataya ay nagpumilit sa pagmamatigas, pagmamalaki, at pagtanggi sa katotohanan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَفَمَن يَمۡشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجۡهِهِۦٓ أَهۡدَىٰٓ أَمَّن يَمۡشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Kaya ang naglalakad ba habang nakabagsak sa mukha niya habang nakasubsob doon – ang tagapagtambal – ay higit na napatnubayan o ang mananampalataya na naglalakad nang tuwid sa isang daang tuwid?
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَكُمۡ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito: "Si Allāh ay ang lumikha sa inyo at gumawa para sa inyo ng mga pandinig na ipinandidinig ninyo, mga paningin na ipinantitingin ninyo, at mga pusong ipinang-uunawa ninyo. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo sa mga biyaya Niya na ibiniyaya Niya sa inyo!"
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito: "Si Allāh ay ang nagpakalat sa inyo sa lupa at nagpalaganap sa inyo rito, hindi ang mga anito ninyo na hindi lumilikha ng anuman. Tungo sa Kanya lamang sa Araw ng Pagbangon titipunin kayo para sa pagtutuos at pagganti, hindi tungo sa mga anito ninyo, kaya mangamba kayo sa Kanya at sumamba kayo sa Kanya lamang."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Magsasabi ang mga tagapagpasinungaling sa pagbubuhay bilang pagtuturing ng kaimposiblehan ng pagbubuhay: "Kailan ang pangakong ito na nangangako ka mismo sa amin, O Muḥammad, at ang mga Kasamahan mo kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na ito ay sasapit?"
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Sabihin mo, O Sugo: "Ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa ganang kay Allāh lamang; walang nakaaalam kung kailan ito magaganap kundi Siya. Ako ay isang tagapagbabala lamang na malinaw sa pagbabala ko sa inyo."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• اطلاع الله على ما تخفيه صدور عباده.
Ang pagkabatid ni Allāh sa anumang ikinukubli ng mga dibdib ng mga tao.

• الكفر والمعاصي من أسباب حصول عذاب الله في الدنيا والآخرة.
Ang kawalang-pananampalataya at ang mga pagsuway ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtamo ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay.

• الكفر بالله ظلمة وحيرة، والإيمان به نور وهداية.
Ang kawalang-pananampalataya kay Allāh ay kadiliman at kalituhan, at ang pananampalataya sa Kanya ay liwanag at kapatnubayan.

فَلَمَّا رَأَوۡهُ زُلۡفَةٗ سِيٓـَٔتۡ وُجُوهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقِيلَ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَدَّعُونَ
Ngunit kapag dumapo sa kanila ang pangako at nakita nila ang pagdurusa nang malapit sa kanila, at iyon ay sa Araw ng Pagbangon, mag-iiba ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh saka mangingitim. Sasabihin sa kanila: "Ito ang dati ninyong hinihiling sa Mundo at minamadali."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَهۡلَكَنِيَ ٱللَّهُ وَمَن مَّعِيَ أَوۡ رَحِمَنَا فَمَن يُجِيرُ ٱلۡكَٰفِرِينَ مِنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito habang nagmamasama sa kanila: "Magpabatid kayo sa akin! Kung nagpapanaw sa akin si Allāh at nagpapanaw Siya sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya o naawa Siya sa amin kaya nagpaliban sa mga taning namin, sino ang magliligtas sa mga tagatangging sumampalataya mula sa isang pagdurusang nakasasakit? Walang magliligtas sa kanila mula roon na isa man."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُلۡ هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ءَامَنَّا بِهِۦ وَعَلَيۡهِ تَوَكَّلۡنَاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Siya ay ang Napakamaawain na nag-aanyaya sa inyo sa pagsamba sa Kanya lamang; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya lamang kami sumandal sa mga nauukol sa amin. Kaya makaaalam kayo nang walang pasubali kung sino ang nasa isang pagkaligaw na maliwanag mula sa kung sino ang nasa isang landasing tuwid."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَصۡبَحَ مَآؤُكُمۡ غَوۡرٗا فَمَن يَأۡتِيكُم بِمَآءٖ مَّعِينِۭ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin! Kung ang tubig ninyo na iniinuman ninyo ay naging nakalubog sa lupa na hindi ninyo nakakaya ang makarating doon, sino ang magdadala sa inyo ng isang tubig na maraming umaagos? Walang isang iba pa kay Allāh."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• اتصاف الرسول صلى الله عليه وسلم بأخلاق القرآن.
Ang pagkalarawan sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga kaasalan ng Qur'ān.

• صفات الكفار صفات ذميمة يجب على المؤمن الابتعاد عنها، وعن طاعة أهلها.
Ang mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya ay mga katangiang kapula-pula, na kinakailangan sa mananampalataya ang paglayo sa mga iyon at [ang paglayo] sa pagtalima sa mga nagtataglay ng mga ito.

• من أكثر الحلف هان على الرحمن، ونزلت مرتبته عند الناس.
Ang sinumang nagparami ng panunumpa ay naging hamak sa Napakamaawain at bumaba ang reputasyon niya sa ganang mga tao.

 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: سۈرە مۈلك
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرىنىڭ پىلىپپىنچە تەرجىمىسىنى تەپسىر مەركىزى چىقارغان،

تاقاش