قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى


مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: سۈرە بەلەد   ئايەت:

Al-Balad

سۈرىنىڭ مەقسەتلىرىدىن:
بيان افتقار الإنسان وكبده وسبل نجاته.
Ang paglilinaw sa pagkadalita ng tao, pagpapakahirap niya, at mga landas ng kaligtasan niya.

لَآ أُقۡسِمُ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
Sumusumpa si Allāh sa bayang pinakababanal na siyang Makkah Mukarramah
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
habang ikaw, O Sugo, ay pinahihintulutan sa anumang gagawin mo rito gaya ng pagpatay sa sinumang naging karapat-dapat sa pagpatay at pagbihag sa sinumang naging karapat-dapat sa pagbihag.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَوَالِدٖ وَمَا وَلَدَ
Sumumpa si Allāh sa nag-anak sa sangkatauhan at sumumpa Siya sa isinupling mula rito na anak.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِي كَبَدٍ
Talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapagod at isang paghihirap dahil sa ipinagdurusa niya na mga kasawiangpalad sa Mundo.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَيَحۡسَبُ أَن لَّن يَقۡدِرَ عَلَيۡهِ أَحَدٞ
Nagpapalagay ba ang tao na siya, kapag nakagawa siya ng mga pagsuway, ay walang makakakaya sa kanya na isa man at walang maghihiganti sa kanya, kahit pa man ang Panginoon niya ang lumikha sa kanya?
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
يَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالٗا لُّبَدًا
Magsasabi siya: "Gumugol ako ng yamang marami, na nagkapatung-patong: ang isang bahagi nito sa ibabaw ng ibang bahagi."
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَيَحۡسَبُ أَن لَّمۡ يَرَهُۥٓ أَحَدٌ
Nagpapalagay ba itong nakikipaghambugan ng ginugugol niya na si Allāh ay hindi nakakikita sa kanya at na siya ay hindi tutuusin sa yaman niya kung mula saan niya nakamit ito at kung sa ano niya ginugol ito?
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَيۡنَيۡنِ
Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata na nakakikita siya sa pamamagitan ng dalawang ito,
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَلِسَانٗا وَشَفَتَيۡنِ
isang dila, at dalawang labi na nagsasalita siya sa pamamagitan ng dalawang ito?
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَهَدَيۡنَٰهُ ٱلنَّجۡدَيۡنِ
Nagpakilala Kami sa kanya sa daan ng kabutihan at daan ng kabulaanan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ
Siya ay hinihiling na lumampas sa matarik nadaan na nagpapahiwalay sa kanya sa Paraiso para makatawid siya nito at makalampas siya rito.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang matarik na daan na kailangan niyang tawirin upang pumasok siya sa Paraiso?
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فَكُّ رَقَبَةٍ
Ito ay isang pagpapalaya sa isang alipin, lalaki man o babae,
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَوۡ إِطۡعَٰمٞ فِي يَوۡمٖ ذِي مَسۡغَبَةٖ
o na magpakain sa isang araw na may pagkakagutom na dumadalang dito ang pagkakaroon ng pagkain,
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
يَتِيمٗا ذَا مَقۡرَبَةٍ
sa isang batang nawalan ng ama nito, na sa kanya ay may pagkakaanak
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أَوۡ مِسۡكِينٗا ذَا مَتۡرَبَةٖ
o sa isang maralitang walang anumang minamay-ari.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ
Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya kay Allāh; nagtagubilin sa isa't isa sa kanila ng pagtitiis sa mga pagtalima, paglayo sa mga pagsuway, at sa pagsubok; at nagtagubilin sa isa't isa sa kanila ng pagkaawa sa mga lingkod ni Allāh.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga kasamahan ng kanan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• عتق الرقاب، وإطعام المحتاجين في وقت الشدة، والإيمان بالله، والتواصي بالصبر والرحمة: من أسباب دخول الجنة.
Ang pagpapalaya sa mga alipin, ang pagpapakain sa mga nangangailangan sa oras ng kagipitan, ang pananampalataya kay Allāh, at ang pagtatagubilinan ng pagtitiis at pagkaawa ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• من دلائل النبوة إخباره أن مكة ستكون حلالًا له ساعة من نهار.
Kabilang sa mga patunay ng pagkapropeta ang pagpapabatid sa kanya na ang Makkah ay magiging ipinahihintulot para sa kanya sa anumang oras ng maghapon.

• لما ضيق الله طرق الرق وسع طرق العتق، فجعل الإعتاق من القربات والكفارات.
Noong nagpasikip si Allāh ng mga daan ng pang-aalipin, nagpaluwang naman Siya ng mga daan ng pagpapalaya sapagkat ginawa niya ang pagpapalaya na kabilang sa mga pampalapit-loob [sa Kanya] at mga panakip-sala.

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Ang mga tumangging sumampalataya sa tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay ang mga kasamahan sa kaliwa.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
عَلَيۡهِمۡ نَارٞ مُّؤۡصَدَةُۢ
Sa ibabaw nila ay may apoy na nakasara sa Araw ng Pagbangon, na pagdurusahin sila roon.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• أهمية تزكية النفس وتطهيرها.
Ang kahalagahan ng paglilinis ng kaluluwa at pagdadalisay nito.

• المتعاونون على المعصية شركاء في الإثم.
Ang mga nagtutulungan sa pagsuway ay magkakatambal sa kasalanan.

• الذنوب سبب للعقوبات الدنيوية.
Ang mga pagkakasala ay kadahilanan para sa mga kaparusahang pangmundo.

• كلٌّ ميسر لما خلق له فمنهم مطيع ومنهم عاصٍ.
Ang bawat isa ay pinadali para sa nilikha para sa kanya kaya kabilang sa kanila ay tagatalima at kabilang din sa kanila ay tagasuway.

 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: سۈرە بەلەد
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرىنىڭ پىلىپپىنچە تەرجىمىسىنى تەپسىر مەركىزى چىقارغان،

تاقاش