Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ * - ترجمے کی لسٹ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

معانی کا ترجمہ سورت: ھود   آیت:
فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّمَّا يَعۡبُدُ هَٰٓؤُلَآءِۚ مَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُهُم مِّن قَبۡلُۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمۡ نَصِيبَهُمۡ غَيۡرَ مَنقُوصٖ
Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa kung ano ang sinasamba ng mga [tagapagtambal na] ito. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila bago pa niyan. Tunay na Kami ay talagang magtutumbas sa kanila ng bahagi nila nang hindi kinukulangan.
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَٱخۡتُلِفَ فِيهِۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur’ān].
عربی تفاسیر:
وَإِنَّ كُلّٗا لَّمَّا لَيُوَفِّيَنَّهُمۡ رَبُّكَ أَعۡمَٰلَهُمۡۚ إِنَّهُۥ بِمَا يَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Tunay na sa bawat pangkat ay talagang maglulubus-lubos nga sa kanila ang Panginoon mo [ng kabayaran] sa mga gawa nila. Tunay na Siya sa anumang ginagawa nila ay Mapagbatid.
عربی تفاسیر:
فَٱسۡتَقِمۡ كَمَآ أُمِرۡتَ وَمَن تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطۡغَوۡاْۚ إِنَّهُۥ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Kaya maging matuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo at sa sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo. Huwag kayong magmalabis; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
عربی تفاسیر:
وَلَا تَرۡكَنُوٓاْ إِلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ فَتَمَسَّكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ
Huwag kayong sumandal sa mga lumabag sa katarungan [dahil sa paglalangis] para sumaling sa inyo ang Apoy [ng Impiyerno]. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang mga katangkilik, pagkatapos hindi kayo maiiadya.
عربی تفاسیر:
وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ طَرَفَيِ ٱلنَّهَارِ وَزُلَفٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِۚ إِنَّ ٱلۡحَسَنَٰتِ يُذۡهِبۡنَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ ذَٰلِكَ ذِكۡرَىٰ لِلذَّٰكِرِينَ
Magpanatili ka ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon[16] at sa bahagi ng gabi.[17] Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala.
[16] Ang mga dasal sa madaling-araw (fajr), sa tanghali (ḍ̆uhr), at hapon (`aṣr).
[17] Ang mga dasal sa pagkalubog ng araw (maghrib) at sa gabi (`ishā’).
عربی تفاسیر:
وَٱصۡبِرۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Magtiis ka sapagkat tunay na si Allāh ay hindi nagwawala ng pabuya ng mga tagagawa ng maganda.
عربی تفاسیر:
فَلَوۡلَا كَانَ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مِن قَبۡلِكُمۡ أُوْلُواْ بَقِيَّةٖ يَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡفَسَادِ فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّنۡ أَنجَيۡنَا مِنۡهُمۡۗ وَٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مَآ أُتۡرِفُواْ فِيهِ وَكَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga [pinagdusang] salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa, maliban sa kaunti kabilang sa pinaligtas Namin kabilang sa kanila? Sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa ipinariwasa sa kanila roon, at sila ay naging mga salarin.
عربی تفاسیر:
وَمَا كَانَ رَبُّكَ لِيُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ بِظُلۡمٖ وَأَهۡلُهَا مُصۡلِحُونَ
Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay ukol magpahamak ng mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan samantalang ang mga mamamayan ng mga ito ay mga tagapagsaayos.
عربی تفاسیر:
 
معانی کا ترجمہ سورت: ھود
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ - ترجمے کی لسٹ

مرکز رواد الترجمہ گروپ نے جمعیۃ الدعوۃ‘ ربوہ اور جمعیۃ خدمۃ المحتوى الاسلامی باللغات کے تعاون سے ترجمہ کیا۔

بند کریں