Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ * - ترجمے کی لسٹ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

معانی کا ترجمہ سورت: بقرہ   آیت:
وَمَثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمُ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ وَتَثۡبِيتٗا مِّنۡ أَنفُسِهِمۡ كَمَثَلِ جَنَّةِۭ بِرَبۡوَةٍ أَصَابَهَا وَابِلٞ فَـَٔاتَتۡ أُكُلَهَا ضِعۡفَيۡنِ فَإِن لَّمۡ يُصِبۡهَا وَابِلٞ فَطَلّٞۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ
Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh at sa pagpapatatag sa mga sarili nila ay gaya ng paghahalintulad sa isang hardin sa nakaumbok na lupa na may tumama rito na isang masaganang ulan kaya nagbigay ito ng mga bunga nito nang dalawang ibayo, at kung walang tumama rito na isang masaganang ulan ay may ambon naman [na sasapat]. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Nakakikita.
عربی تفاسیر:
أَيَوَدُّ أَحَدُكُمۡ أَن تَكُونَ لَهُۥ جَنَّةٞ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَابٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ لَهُۥ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَأَصَابَهُ ٱلۡكِبَرُ وَلَهُۥ ذُرِّيَّةٞ ضُعَفَآءُ فَأَصَابَهَآ إِعۡصَارٞ فِيهِ نَارٞ فَٱحۡتَرَقَتۡۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَتَفَكَّرُونَ
Nag-aasam ba ang isa sa inyo na magkaroon siya ng isang hardin ng datiles at mga ubas, na dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog, na nagkaroon siya sa loob nito ng lahat ng mga bunga, at tumama sa kanya ang katandaan habang mayroon siyang mga supling na mahihina, saka may tumama roon na isang buhawi na sa loob nito ay may apoy kaya nasunog iyon? Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip.
عربی تفاسیر:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنفِقُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا كَسَبۡتُمۡ وَمِمَّآ أَخۡرَجۡنَا لَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِۖ وَلَا تَيَمَّمُواْ ٱلۡخَبِيثَ مِنۡهُ تُنفِقُونَ وَلَسۡتُم بِـَٔاخِذِيهِ إِلَّآ أَن تُغۡمِضُواْ فِيهِۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ
O mga sumampalataya, gumugol kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay na kinamit ninyo at mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa lupa. Huwag kayong maglayon ng karima-rimarim mula roon, na gumugugol kayo samantalang kayo ay hindi mga tatanggap nito maliban na magpikit-mata kayo rito. Alamin ninyo na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.
عربی تفاسیر:
ٱلشَّيۡطَٰنُ يَعِدُكُمُ ٱلۡفَقۡرَ وَيَأۡمُرُكُم بِٱلۡفَحۡشَآءِۖ وَٱللَّهُ يَعِدُكُم مَّغۡفِرَةٗ مِّنۡهُ وَفَضۡلٗاۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ
Ang demonyo ay nangangako sa inyo ng karalitaan at nag-uutos sa inyo ng kahalayan samantalang si Allāh ay nangangako sa inyo ng isang kapatawaran mula sa Kanya at isang kabutihang-loob. Si Allāh ay Malawak, Maalam.
عربی تفاسیر:
يُؤۡتِي ٱلۡحِكۡمَةَ مَن يَشَآءُۚ وَمَن يُؤۡتَ ٱلۡحِكۡمَةَ فَقَدۡ أُوتِيَ خَيۡرٗا كَثِيرٗاۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّآ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Nagbibigay Siya ng karunungan sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang binigyan ng karunungan ay nabigyan nga ng kabutihang marami. Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.
عربی تفاسیر:
 
معانی کا ترجمہ سورت: بقرہ
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ - ترجمے کی لسٹ

مرکز رواد الترجمہ گروپ نے جمعیۃ الدعوۃ‘ ربوہ اور جمعیۃ خدمۃ المحتوى الاسلامی باللغات کے تعاون سے ترجمہ کیا۔

بند کریں