Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ * - ترجمے کی لسٹ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

معانی کا ترجمہ سورت: قمر   آیت:
خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادٞ مُّنتَشِرٞ
Habang mga nagtataimtim ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,
عربی تفاسیر:
مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرٞ
na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap.
عربی تفاسیر:
۞ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونٞ وَٱزۡدُجِرَ
Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin [na si Noe] at nagsabi silang baliw [siya] at ipinagtabuyan siya.
عربی تفاسیر:
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبٞ فَٱنتَصِرۡ
Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka.”
عربی تفاسیر:
فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٖ مُّنۡهَمِرٖ
Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.
عربی تفاسیر:
وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونٗا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ قَدۡ قُدِرَ
Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda.
عربی تفاسیر:
وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحٖ وَدُسُرٖ
Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.
عربی تفاسیر:
تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءٗ لِّمَن كَانَ كُفِرَ
Naglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan.
عربی تفاسیر:
وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةٗ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya?
عربی تفاسیر:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?
عربی تفاسیر:
كَذَّبَتۡ عَادٞ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] `Ād [sa propeta nilang si Hūd], kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
عربی تفاسیر:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِي يَوۡمِ نَحۡسٖ مُّسۡتَمِرّٖ
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.
عربی تفاسیر:
تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ
Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal.
عربی تفاسیر:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?
عربی تفاسیر:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.
عربی تفاسیر:
فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٗا مِّنَّا وَٰحِدٗا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٍ
Kaya nagsabi sila: “[Kay Ṣaliḥ na] taong nag-iisa kabilang sa amin ba susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol.
عربی تفاسیر:
أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٞ
Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na walang-galang.”
عربی تفاسیر:
سَيَعۡلَمُونَ غَدٗا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ
Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.
عربی تفاسیر:
إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةٗ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ
Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.
عربی تفاسیر:
 
معانی کا ترجمہ سورت: قمر
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ - ترجمے کی لسٹ

مرکز رواد الترجمہ گروپ نے جمعیۃ الدعوۃ‘ ربوہ اور جمعیۃ خدمۃ المحتوى الاسلامی باللغات کے تعاون سے ترجمہ کیا۔

بند کریں